Advertisers

Advertisers

HUMIGIT-KUMULANG 7,000 KATAO, DUMALO SA GRAND POLICE-COMMUNITY RELATIONS DAY

0 210

Advertisers

NAGING matagumpay ang paglulunsad Anti-Crime Coalition for Peace and Progress International (ACCPPI) , PNP Help and FoodBank at BIDA Caravan na dinaluhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa pangunguna ni PBGen Jose Melencio C Nartatez,Jr, Acting Regional Director noong Hulyo 22,2023 sa Grandstand PNP Transformation Oval , Camp Crame, Quezon City.

Naisagawa ang aktibidad (Grand Police-Community Relations Day) sa pamamagitan ng inisyatiba ng Philippine National POlice (PNP) Headquarters sa pamumuno ni PGen Benjamin C Acorda, Jr, Chief,PNP.

Naging panauhing pandangal at Tagapagsalita sa ‘makulay’ na pagtitipon si Senador Imee Romualdez kung saan ay dinaluhan ang nasabing aktibidad na may humigit-kumulang 7,000 attendees na may presensya ni Hon. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr, SILG, PNP Command Group, at Directorial Staff, NCRPO’s District Directors at iba pang kawani, mga kinatawan mula sa iba’t ibang Non-Government Organizations, at mga miyembro ng Advocacy Support Groups.



Ang kaganapan ay naaayon sa Five-Focused Agenda ng CPNP sa ilalim ng Community Engagement, na pangunahing nakatuon sa pagpapalawak at pagpapalalim ng pangako sa mga lokal na stakeholder upang makamit ang isang mapayapang komunidad. (JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">