Advertisers

Advertisers

PH long jump champ Ubas naghari sa Italy

0 188

Advertisers

PATULOY ang pamamayagpag ni Southeast Asian (SEA) Games long jump champion Janry Ubas Sabado, matapos mangibabaw sa 16th Triveneto Meeting International sa Italy para patibayin ang kanyang tsansa sa qualifying para sa World Athletics Championship.

Ang 29-year-old native ng Villanueva Misamis Oriental province ay nagrehistro ng 7.72 meters upang patalsikin ang pambato ng Cuba Alcides Lescay Gay sa G. Draghicchio Athletics Stadium sa Trieste.

Lescay Gay, ang 2018 Summer Youth Olympics gold medalist, ay nagrehistro ng 7.71 meters,sinundan ng Botswanian Thapelo Monaiwa (7.54m)



Noong Miyerkules, Pinagharian ni Ubas ang Motonet Grand Prix sa Lappeenranta, Finland sa 7.86m. Ang kanyang gold winning performance sa Cambodia SEA Games noong Mayo ay 7.85 meters.

Si Ubas ay lumipad diretso sa Finland mula sa Thailand matapos sumabak sa 25th Asian Athletics Championship na ginanap sa Bangkok mula Hulyo 12 hanggang 16. Bumagsak siya sa top 7 sa 7.98m, nag-improved sa 7.95m para masilo ang silver medal sa Taiwan Open noong Mayo 28.



Mula sa Italy, dumiretso siya sa Germany para sa International Stuttgarter Athletics Meeting sa Hulyo 29.

Ang tournament sa Finland,Italy at Germany ay bahagi ng World Athletics Continental Tour na mag pasya ng kapalaran ni Ubas sa qualifying para sa World Championship na nakatakda sa Agosto 19 hanggang 27 sa Budapest, Hungary.



Ang qualification window para sa World Championship ay matatapos sa Hulyo 30.

Kasunod ng dalawang victories, kumpiyansa si Ubas na umakyat ang World rankings, na e-update sa Hulyo 25.