Advertisers

Advertisers

“Life sentence, useless dahil sa GCTA” – Rep. Erwin Tulfo

0 154

Advertisers

“DAPAT ang mga halang ang kaluluwang kriminal na nahatulan dahil sa heinous crimes ay makalalabas lamang ng bilangguan kapag sila ay nasa kabaong na. Balewala na ang hatol na life sentece dahil sa umiiral na good conduct time allowance (GCTA)”.

Ito ang pahayag ni ACT-CIS partylist Representative Erwin Tulfo Rep. Tulfo, na nagtutulak din ng abolisyon ng GCTA para sa mga kasong kinasasangkutan ng mga heinous crimes at ito ay kung sakaling hindi maibalik ang parusang kamatayan.

Sa kanyang pagdalo sa ‘MACHRA’s Balitaan’ ng Manila City Hall Reporters’ Association, labis na ikinalulungkot ni Rep. Tulfo na dahil sa GCTA, ang mga nahatulang kriminal ng habang buhay o reclusion perpetua dahil sa heinous crimes ay nakakalaya din pagkatapos lamang ng isang dekada at ito ay isang kawalang katarungan para sa pamilya ng kanilang mga biktima.



Ayon kay Tulfo ay inatasan na niya ang kanyang legal team upang pag-aralan ang batas kaugnay ng imposisyon ng hatol na habambuhay na pagkabilanggo na katumbas lamang ng 40 taon.

“Sa US, pag sinabing life sentence, lalabas ka sa kulungan nasa ataul ka na. Dapat i-adopt na pag heinous crimes gaya ng massacre, isulong na lang natin na ‘life sentence talaga,” sabi nito.



Nababahala si Tulfo na dahil sa GCTA, ang 40-taon na katumbas ng habambuhay ay bumababa pa sa 20 taon kaya naman ang mga batang kriminal ay lumalabas sa kulungan sa edad na 50 o 60 anyos.

“After 20 yrs tatawanan ka pa, neknek mo, nakalabas na ko. Pano ka ngayon patay na mister mo, anak mo? Sabi rehab daw. Paano mo irerehab ‘yung mga buwang, mga druglord na nakatikim na ng marangyang buhay, nang-rape ng anak niya tapos pinatay pa nya buong pamilya tapos makakalaya after 20 years,” ayon kay Tulfo.



“Pag heinous crime like Maguindanao massacare, ‘yung 40 years, sa 50 pinatay mo concurrent ang pag-serve ng 40 years. It’s useless. Mabuti kung 10 pinatay mo bawat isa life sentence bale 400 years. Paano naman ang buhay nung mga pinatay? Dapat lalabas ka bilangguan nasa ataul na para naman ‘yung mga nabiktima, maramdaman ang hustisya,” paliwanag pa ng mambabatas.

Ayon pa kayTulfo, hindi man siya ayon sa firing pero kinukunsidera pa rin niya ang mas makataong paraan ng death penalty tulad ng lethal injection kung saan ang nahatulan kriminal ay parang patutulugin lamang.

“This is the more humane way, ‘yung patulugin… mas makatao dahil may mga nagsasabi, wala tayong karapatan kunin ang buhay ng iba. Sa lethal injection, lalabas ka sa bilangguang nasa ataul na,” dagdag pa nito. (ANDI GARCIA)