Advertisers
ISINIWALAT ng Department of Justice (DOJ) na maaaring makapasok ng bansa ang mga kinatawan ng International Criminal Court sa ilalim ng ilang mga kundisyon na kinakailangan nilang sundin.
Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, posibleng mabigyan ng pagkakataon makapasok sa bansa ang mga kinatawan ng naturang international body kung sila ay makikipag -usap sa Department of Foreign Affairs.
Naniniwala rin ang kalihim na kaagad namang ipagbibigay alam ng DFA sa DOJ sakaling subukan ng ICC na humingi ng clearance.
Kinakailangan din muna aniyang malaman kung ano ang mga balak nilang gawin dahil ito ang magsisilbing basehan kung paano kikilos ang gobyerno.
Ayon pa kay Remulla, nakahanda ang gobyerno upang makinig.
Paliwanag pa ni Remulla, ayaw naman nilang makipag-supladuhan sa mga bansang maayos makipag-usap.