Advertisers

Advertisers

P5.768-T 2024 nat’l budget aaprubahan sa Oktubre

0 120

Advertisers

NAKATAKDANG aprubahan ng Kamara de Representantes ang P5.768-trillion 2024 national budget bago pa mag recess ang 2nd Regular Session ng 19th Congress ngayong Oktubre.

Sinabi ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na planong isumite ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Kongreso ang budget proposal nito pagkatapos ng kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) sa Lunes.

“Pag nangyari po ‘yan, sigurado tatapusin natin ‘yung budget before our October break. We average five weeks of solid work on budget deliberations, consideration, review, and approval through third reading. So we are confident with the processes and protocols and procedures that we have na matatapos natin ang ating national 2024 budget. That is the most important piece of legislation,” ani Speaker Romualdez, ng Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD).



Layunin aniya nito na masustenahan ang pag usad ng ekonomiya ng Pilipinas at para magkaroon din ng mga karagdagang pondo at pagkakaroon ng trabaho upang maiangat ang kalidad ng pamumuhay ng mga Filipino.

Bukod pa aniya na maihatid sa tamang oras ang mga pangunahing social services tulad ng edukasyon, health care at inprastraktura.



Ipinunto pa ng lider ng Kamara sa kanyang deliberasyon ang spending program sa susunod na taon, at kung papaano gagamitin ang annual budget at kung papaano din ipatutupad ang mga batas partikular na ang inaprubahan ni Pangulong Marcos na “New Agrarian Emancipation Act.”
“The emancipation law lifted the debt burden of our farmers. In other words na-exempt na ang ating mga magsasaka dito sa kanilang mga utang sa acquisition ng lupa nila. We think that is one of the cornerstones of our President’s legislative agenda. He promised this last year, hindi lang na-promise nagawa, napirmahan na,” diin ng House leader.

“So tayo po sa Kongreso, babantayan din natin na maayos at maaga ang implementasyon para yung mga magsasaka maging productive para tutulong din sila sa ating hangarin na ‘yung ibaba natin ‘yung presyo ng bilihin gaya ng bigas, asukal at gulay. Kaya excited po tayo kasi pinagtrabahuhan natin,” dagdag pa niya.



Sinabi rin ni Romualdez na dapat ang ating bansa at lahat ng Filipino household na magkaroon ng sapat na suplay ng bigas upang maiwasan ang pagkagutom sa bansa. (Henry Padilla)