Advertisers

Advertisers

PBBM BAGSAK SA MGA MANGINGISDA!

0 137

Advertisers

ILANG miyembro ng grupo ng mga mangingisda, Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya), ang nagbigay ng bagsak na grado kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa umano’y kawalan ng aksyon sa kanyang administrasyon sa mga isyung nakakaapekto sa kanilang sektor.

Ito ay habang ibinabahagi ng mga naturang mangingisda ang kanilang “state of the fisherfolk address,” bilang sagot sa ikalawang State Of the Nation Address ni Marcos na nakatakda ngayong Lunes.

Sa paraan ng isang street conference, ang mga mangingisda at mga residente sa baybayin mula sa Cavite, Navotas, at Rizal ay nagbigay ng kanilang isang taon na pagtatasa sa administrasyong Marcos.



Binigyang-diin ng Pamalakaya ang mga diumano’y kabiguan ng Pangulo na tugunan ang mga isyu sa sektor ng pangingisda, national sovereignty, conversion at reclamation of fishing waters, at suporta para sa produksyon ng pangisdaan sa gitna ng inflation.

“Kami mismo ‘yung nakakaalam ng aming sitwasyon, ng aming kalagayan dahil kami mismo ‘yung nasa kabuhayan,” ayon kay Pamalakaya vice chair Ronnel Arambulo. “Kaya ang aming grade kay President Bongbong Marcos ay bagsak po.”

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">