Advertisers
LUMAKAS pa at naging isa na ngayong ‘severe tropical storm’ si “Egay” na maaaring maging isang super typhoon sa Martes, ayon sa PAGASA.
Sa pinakabagong bulletin nitong Linggo ng hapon, ayon sa state weather bureau, inaasahan na maging super typhoon si Egay sa loob ng 24 oras.
Iniuugnay ng state weather bureau ang rapid intensification ni Egay sa “favorable atmospheric at oceanic conditions.”
Gayunpaman, nakikitang hihina si Egay sa Miyerkules hanggang sa maabot nito ang Taiwan, at maaaring humina pa habang nakikipag-ugnayan ito sa self-governed island’s mountainous terrain. Inaasahang magpapatuloy ang paghina na ito hanggang sa muling maglandfall ang bagyo sa mainland China.
Kaugnay nito, sinuspinde ng gobyerno ang klase sa lahat ng antas ng mha pampublikong eskuelahan. Wala ring pasok ang mga tanggapan ng gobyerno ngayon. Samantalang ipinaubaya na sa private sector ang desisyon sa sitwasyon.
Pinaghahanda rin ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga gobernador at mayor sa magiging epekto ng bagyo.
Samantala, habang isinusulat ang balitang ito, nakataaas ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 sa mga sumusunod na lugar:
Sa Luzon:
Catanduanes, eastern portion ng Camarines Sur, northern portion ng Aurora, eastern portion ng Isabela, at eastern portion ng Cagayan.
Sa bahagi ng Visayas:
Northern portion ng Eastern Samar at eastern portion ng Northern Samar