Advertisers
SINIMULAN ng Pilipinas ang kanilang kampanya sa Asian Youth and Junior Weightlifting Championship, na humakot ng 4 gold medals sa Gautam Buddha University sa New delhi, India.
Nangibabaw si Prince Keil delos Santos ng Angono,Rizal sa snatch (94kg), at second place sa clean and jerk (116kg), at ginawaran ng gold medal sa kabouang (210kg) sa Youth men’s 49kg category.
Eros Borres ng Cebu City ang first place sa clean and jerk at nagtapos third sa snatch. Para magkasya sa silver medal sa kabouuang (210kg) habang si Delos Santos ay nagtagumpay sa kanyang unang pagsubok.
Alexsandra Diaz (W40kg) ng Mampang, Zamboanga bumakas ng tatlong medalya sa Youth women’s 40kg— gold sa snatch,57kg,bronze medal sa clean and jerk (66kg) at silver sa kabouang (123kg).
“With four golds, three silvers and two bronzes in the first day in two events, what more can we ask for? Hard work pays off. We’re ready now for 2028 Los Angeles Olympics!” Wika ni Samahang Weightlifting ng Pilipinas president Monico Puentevella sa Philippine News Agency (PNA) Sabado.
Samantala, ang pambato ng Zamboanga City Rose Jean Ramos at Angeline Colonia ay nakatakdang sumabak sa Junior women’s 45kg categoty.
Si Ramos ay nagbulsa ng 3 silver medals sa Asian Weightlifting Championship sa Jinju,south Korea nakaraang Mayo. Pinagharian nya ang World Weightlifting Championship ng dalawang beses.
Nasa line-up ng Junior division sina Southeast Asian Games double gold medalist Vanessa Sarno (W71kg), Rosegie Ramos at Lovely Inan (W49kg), Habang sina Jhodie Peralta (W49kg),Rosalinda Faustino (W55kg) at Christisan Rodriguez (M67kg) ay pumasok sa Youth division.
Albert Ian delos Santos (M61kg) ay pumasok sa Youth at Junior divisions.
Ang Youth division ay para sa atletang may edad 13 to 17 years old habang ang Junior division ay para sa 15 to 20 years old.
Ang atleta ay sinamahan ng coaches Patrick Lee, Roberto Colonia, Joe Patrick Diaz, Allen Jayfruz at Kelly Kay Rojas.
Ang Pilipnas ay nagbulsa ng 15 medalya, kabilang ang 3 gold medal mula kay Sarno, sa panahon ng Asian Youth and Junior Weightlifting Championship sa Tashkent, Uzbekistan nakaraang taon.