Advertisers

Advertisers

The HUNT IS ON!

0 6

Advertisers

NO LESS THAN THE SECRETARY OF THE DEPARTMENT OF JUSTICE HAS GIVEN THE GREEN LIGHT FOR THE ARREST OF ICC FUGITIVE RONALD DELA ROSA, SITTING SENATOR OF THE PHILIPPINES, BANKING ON THE SUPREME COURT’S DENIAL OF SENATOR’S PLEA FOR A TRO FOR HIS ARREST AND ON THE BASIS OF R.A. 9851.

Maraming tagapagtanggol—mga tapos sa abugasya—ang di magkamayaw kung paano nila mapapaniwala ang kanilang mga kliyente na “ang kaso nila ay maipapanalo” nila…kahit saang korte pa ito humantong! Isa na rito si dating PRRD na ngayo’y nasa The Hague, sa Netherlands at sa kasalukuyan ay nagpalit na ng kanyang abugado na nagsabing “the former president cannot stand trial”…ang nauna niyang abugadong si Nicolas Kaufman ay lumisan na dahil tapos na ang kanyang kontrata.

In the local scene, here is the Philippines struggling to enforce the rule of law on Duterte’s right hand man in the execution of his drugs’ war that led to the unwarranted death to countless of people his administration deemed “were into the proliferation of illegal/dangerous drugs”– but in a turn of event, the International Criminal Court saw probable cause to order his arrest–with other confederates/accomplices for crimes against humanity and murder.

Hindi katanggap-tanggap para sa milyon milyong PILIPINO ang mga huling kaganapan sa Senado lalo pa’t ngayon na tapos na ang imbestigasyon ng Dept of Justice at Dept of Interior and Local Govt sa sinasabing “barilan” na resulta ng pagsipot ni BATO dela ROSA sa Senado upang bumoto at tumakas !!!! — na tigas namang ipinagtanggol ni SP APCayetano sa kamay ng mga NBI na umano’y aaresto sa puganteng senador !!!

Lahat na ng remedyo ay ginawa ng mga abugado para kay BATO dela Rosa… hanggang sa tinitipa ko ang pitak na ito “hindi kami papayag na arestuhin ang aming kliyente hanggang walang local court order!”– gigil ng mga tagapagtanggol ng dating PNP Chief. Sabi ng maraming legal luminary, isa ang RA 9851- ang instrumento na pinagbatayan ng pagtanggi ng Supreme Court sa hilig na TRO ni dela Rosa na ayaw o pilit na pinipilipit nila para baluktutin ang pagpapatupad ng batas na ito . Ang pagkukuntsabahan ni ex-con Robin Padilla para itakas si Bato ay maliwanag sa cctv footages na ngayo’y hawak ng mga imbestigador. Sana nga lang…huwag tulugan ng DOJ at DILG ang pagwawalangiyang ito ng mga nabanggit na senador sa mga umiiral na batas natin … para que pa ng batas kung ito ay tatawanan lang nga mga oportunistang mambabatas? Na lugar na sila ang modelo ng pagsunod ay sila pa pala ang yuyurak sa saligang batas na kanilang hinulma para sundin ng lahat?!

Lahat ng mata at tenga ng bawat PILIPINO ay nasa bola na hawak ngayon ng DOJ at DILG…ang arestuhin itong si Bato dela Rosa na — isang acid test na naman sa law enforcement sa kung hanggang saan ang kanilang WILL to obey the rule of law!!! Ito ay sa kabila ng maraming kumento na ang mga kaganapan na nakikita sa ngayon ay ang anarkiya sa lipunan hanggang sa kalsada na ladlarang inilalarawan ng mga makapangyarihang pulitiko at taong gobyerno. Ang walang pakundangang pagwawalang bahala sa halaga ng buhay ng tao…ito ang pinakaseryosong akusasyon ng mamamayang PILIPINO sa mga tiwaling pulitiko nuong Duterte era hanggang ngayon —sa katauhan ng SENADO. Ang napipintong pagharap ni Sara Duterte sa Impeachment Court ay isa pang hamon sa Batas Konstitusyon natin…ang kanilang estilo nuong panahon si Chiz Escudero ang timon ng Senado ay tumimo sa puso at damdamin ng mga Pinoy! Ngayon ito ay nasa poder na ni Cayetano at ang pakiwari ng buong bansa ay nangingilid na uli sa peligro ang kalalagayan ng mga naghahanap ng katarungan sa pagwawalangiya ni Sara Duterte sa kaban ng bayan!? (x)