Advertisers

Advertisers

Dakpin na si Bato

0 4

Advertisers

INIUTOS na ng Solicitor General (SolGen) sa lahat ng law enforcement agencies ng gobierno na dakpin si Senador Robalf “bato” Dela Rosa, iharap sa International Criminal Court (ICC).

Ito’y matapos ibasura ng Korte Suprema ang petisyon ng kampo ni Bato para pigilan ang gobierno na ipatupad ang ICC arrest warrant laban sa dating PNP Chief na utak ng ‘Oplan Tokhang’, na kumitil ng maraming inosenteng buhay kaugnay ‘war on drugs’ kuno ng nakaraang administrasyond Duterte.

Nauna nang naaresto ang amo ni Bato na si ex-President Rody “Digong” Duterte last year, 2025.

Pinakilos na ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang 225,000-strong member ng Philippine National Police (PNP) partikular ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Nagbigay narin ng order ang Department of Justice sa National Bureau of Investigation (NBI) na pakilusin ang mga ahente nito para madakip ang “fugitive from justice” na senador.

Maging ang Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) ay pinagalaw na para sa ikadarakip ni Bato, na produkto rin ng Philippine Military Academy (PMA).

‘Yan ang problema rito, dakpin nga kaya ng mga pulis ang dati nilang hepe, at seryosohin naman kaya ng mga opisyal na mistah ni Bato ang pag-aresto sa huli? Duda tayo rito…

Actually, nahuli na sana itong si Bato nang sumulpot sa Senado nung Mayo 11, after ng almost 8 months na ‘di pagpakita sa publiko, kung hindi inarbor ng power-grabber na si Senate President Alan Peter Cayetano at pinatakas ni DDS Senator Robinhood “Bad Boy” Padilla nung Mayo 14 ng madaling araw.

Ang tanging palusot ni Cayetano ay wala siyang magawa kung umalis man si Bato sa Senado kasi wala naman arrest warrant na ipinakita sa kanila.

At ang rason naman ni Padilla ay nakisabay lang sa kanya si Bato sa pag-alis sa Senado. Alangan naman daw na tanggihan niya ang pagsakay nito sa kanyang sasakyan.

Ang bababaw ng mga rason nina Cayetano at Padilla noh?

Matatandaan na isinailalim ni Cayetano sa custody ng Senado si Bato kaya hindi inaresto ng NBI ang senador nung Mayo 11.

Sa rason ng ‘command responsibility’ may pananagutan si Cayetano sa pagkatakas ni Bato, ay malaki rin ang pananagutan ni Padilla sa pagtakas sa kasamahang mambabatas.

Sa kabilang banda, nag-aplay na ng ‘Red Notice’ sa International Policr (Interpol) ang DoJ para kung sakali mang nakalabas ng bansa si Bato ay kaagad itong mahuli.

Nasaan na nga kaya si Bato?

Sabi ng NBI, may leads na sila kung saan ito nagtatago. Kung ganun? Dakpin nyo na si Bato, ‘wag puros press release!

***

Mukhang hindi tatagal sa puwesto bilang Senate President si Alan Peter Caytetano.

Sa headcounts ngayon ng minority block, 12-11 na ang labanan. Isa nalang ang lamang ng tropa ni Cayetano. Kung hindi nga lang daw sakim itong si Sen. Chiz Escudero ay wala na sa puwesto si Cayetano. Tsk tsk tsk…