Advertisers
NANAWAGAN si National Bureau of Investigation (NBI) Director, Atty. Melvin Matibag, kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na sumuko na at hara-pin ang arrest warrant na inisyu laban sa kanya.
Sinabi ni Matibag na hinahanap na ng mga awtoridad si Dela Rosa kasunod ng kautusan ng Department of Justice (DOJ) nitong Huwebes na maaari nang ipatupad ang arrest warrant na inisyu ng International Criminal Court (ICC) laban kay dela Rosa sa kaugnayan sa brutal na war on drugs ng Duterte administration.
Nang tanungin kung nasa Pilipinas pa si Dela Rosa, hindi direktang kinumpirma ni Matibag ngunit sinabing walang rekord mula sa Bureau of Immigration na nagpapakitang ang senador ay umalis ng bansa.
Nitong Huwebes, sinabi ni Matibag na ipatutupad ng NBI ang kautusan ng DOJ para arestuhin si Dela Rosa “without delay.”
“Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not because we have to implement the law without fear or favor.”
Ang pahayag ng NBI chief kasunod lamang ng anunsyo ni DOJ Secretary Fredderick Vida na “the Philippine law enforcement agencies, which would include the PNP and the NBI, are now tasked to effect the arrest” sa senador.
Samantala, sinabi ng DOJ na mas mainam na sumuko na lamang si Dela Rosa dahil makakatulong ito sa pagpa-patupad ng batas at pagtiyak na maipapatupad ang hustisya.
Babala ng DoJ: Mananagot ang magkakanlong kay Dela Rosa.
Hinikayat din ng mga senador na sina Risa Hontiveros at Erwin Tulo na sumuko na lamang si Dela Rosa at igalang ang batas.