Advertisers

Advertisers

Santiago wagi vs Donaire para sa bakanting WBC bantamweight title

0 204

Advertisers

DINAIG ng Mexican boxer na si Alexandro Santiago ang pambato ng Pilipinas na si Nonito Donaire Jr. via unanimous decision (115-113 / 116-112 2x) sa kanilang paghaharap Linggo sa Las Vegas, Nevada.

Nagsilbing undercard ang Donaire – Santiago bout para sa laban ng unbeaten Americans na sina Errol Spence at Terence Crawford.

Maliban sa kabiguan para sa hangad na panalo, tinarget din sana ni Filipino Flash na basagin ang record na “oldest bantamweight champion” sa edad na 40 para sa naturang laban.



Para sa ilang boxing analyst, panahon na para magretiro si Donaire.

Ngunit wala pang pahayag hinggil dito ang kampo ng Pinoy boxer.



Dahil dito ay nalaglag si Donaire sa 42-8 win-loss rekord habang si Santiago ay nag-improved sa 28-3-5 win-loss -draw slate.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">