Advertisers
KINUMPIRMA ng Department of Health (DOH) na target nang simulan ngayong Disyembre ang Phase 3 ng clinical trials ng bakuna kontra COVID-19 ng World Health Organization (WHO) sa Pilipinas. Aminado si Department of Health(DOH) Usec. Maria Rosario Vergerie, na magsisimula na sa ibang bansa ang solidarity trial. Ayon kay DOH Usec. Maria isasapubliko ngayong Linggo ang mga lugar kung saan isasagawa ang clinical trial.
Saad pa ni Vergerie na para sa Russian vaccine Gamaleya nakikipag-usap na aniya ang manufacturer sa Philippine-based contract research organization para umano’y paggawa rito sa bansa ng bakuna sa COVID-19.
Dagdag pa nito na ang contract research organization ang magiging kinatawan ng Gamaleya sa bansa.
Para naman sa Chinese vaccine na Sinovac, kinumpirma pa ni Vergeire na tapos na itong dumaan sa Vaccine Expert Panel ng Department of Science and Technology( DOST).
Naghihintay na lamang umano ito ng approval ng Ethics Board na kailangan bago ito mag-apply ng clearance sa Food and Drug Administratioj( FDA) para makapagsagawa ng clinical trial.
Sa ilalim ng 2021 Appropriations Bill, nasa P2.5 bilyon ang inilaan ng gobyerno ng COVID-19 vaccine. (Josephine Patricio)