Advertisers

Advertisers

Mag-asawa gumagawa ng pekeng plaka ng kotse, huli sa QC

0 123

Advertisers

ARESTADO ang mag-asawang nagpapatakbo ng isang negosyong gumagawa ng mga pekeng plaka ng sasakyan.

Kinilala ang mga nadakip na sina Guerero Guerero at Rowena Guerero.

Nadiskubre ng mga miyembro ng Philippine National Police-Highway Patrol Group ang lugar sa V. Luna, Quezon City kungsaan maaaring makabili ng mga plaka ng sasakyan gayundin ang mga pekeng Official Receipt (OR) at Certificate of Registration (CR) ng mga sasakyan.



Sa operasyon, ibinenta ng mag-asawa ang pekeng OR-CR at plaka ng sasakyan sa pulisya, na nagpanggap na buyer sa halagang P60,000.

Nakumpiska naman sa naturang tindahan ang mga ebidensya gaya ng pekeng Official Receipt at Certificate of Registration.

Iniimbistigahan ng LTO ang mag-asawa kung mayroon itong kasabwat sa kanilang tanggapan.

Nahaharap sa kasong carnapping ang mag-asawa.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">