Advertisers

Advertisers

Phil. Baseball team sa Hangzhou Asian Games… PODIUM FINISH ANG MISYON NG PILIPINAS!

0 12

Advertisers

TUNAY na mabigat ang misyong nais isakatuparan ng Philippine baseball team na sasabak sa sasambulat nang Hangzhou Asian Games China 2023.

Bukod sa host na China, powerhouse na koponan ang world caliber na Japan ,South Korea at nariyan pa ang Chinese Taipeh na balakid sa target ng Southeast Aian Games champion Philippine baseball squad.

“ It’s a tough level of competition ahead of us.Pero sanay na ang mga bata kaya tuloy ang kanilang misyong makahataw ng podium finish sa naturang quadrennial meet sa Asia… laban lang!”, wika ni PABA secgen at team manager Jose Pepe Munoz na sinegundahan ng coaching staff sa pangungna ni coach Joseph Orillana, Wilfredo Hidalgo ,Zachi Bacarisas at Japanese baseball expert based in the Philippines na si Keiji Katayama ng Katayama Baseball Academy sa bansa.



Ang palabang pambansang koponan sa baseball ay binubuo nina..Bernardo Adrian Ramirez; Beronilla, Mark John Philip Ruiz, Bosito, Erwin Quides, Caasalan, Clarence Lyle, Molina, Carreon, Johnhil Mallari, De Guzman, Alfredo III Ragasa, De Vera, Lord Aragom Olfato, Diarao, Junmar Responte, Eguia, Vladimir Salamangca, Escaño, Ignacio Luis Santamaria, Jasmin, Romeo Esteban, Liguayan, Ferdinand Jr Cadenas, Macasaet, Juan Paolo Bernabe, Manaig, Mark Steven .

Ang PH IX na suportado ng Philippine Sports Commission( PSC) ay nasa timon ng Philippine Amateur Baseball Assn.( PABA) sa pamununo ni Pres. Chito Loyzaza. (Danny Simon)