Advertisers

Advertisers

‘Typhoon Rolly, lumakas pa; 1 pang bagyo namataan’

0 293

Advertisers

LUMAKAS pa ang typhoon Rolly na ngayon ay nasa 990 km na sa silangan ng Casiguran, Aurora.

Taglay na nito ang lakas ng hangin na 185 kph at may pagbugsong 230 kph.



Pero hindi pa rin umano ito matatawag na super typhoon dahil hindi pa sapat ang intensity ng dala nitong hangin.

Sa ngayon ay kumikilos ito nang pakanluran sa bilis na 20 kph.

Samantala, ang isa pang binabantayang bagyo ay nananatili sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR).

Namataan ito sa layong 1,885 km sa silangan ng Visayas.

Tatawagin namang “Siony” ang tropical disturbance na ito, kapag nasa loob na ng Philippine territory.