Advertisers
BUKAS ang pamahalaan sa mga concern at issues na maaaring ilahad ng sektor ng transportasyon, lalo na sa usapin ng PUV Modernization Program.
Ito ang iginiit sa ‘Bagong Pilipinas Ngayon’ public briefing ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) technical division head Joel Bolano kasunod ng transport strike ng grupong Manibela laban sa modernisasyon.
Sinabi ni Bolano na umaasa sila na magkakaroon ng pagkakataon na makapag-usap lagi ang magkabilang panig para sa maayos na solusyon at matalakay ang hinaing ng mga kumokontra sa programa.
Ipinunto pa ng opisyal na bukas ang LTFRB at DOTr sa mga suhestiyon at katunayan ay patuloy silang nagsasagawa ng mga konsultasyon sa mga stakeholder hinggil dito. (Gilbert Perdez)