Advertisers

Advertisers

BFAR humirit ng P450-M budget pambili ng patrol vessels sa West PH Sea

0 17

Advertisers

HUMIRIT ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na dagdagan ang patrol vessels na magbabantay at aalalay sa ating mga mangingisda sa West Philippine Sea (WPS).

Sa pagpapatuloy ng pagdinig sa 2024 budget ng Department of Agriculture (DA) at mga attached agencies nito, sinabi ni BFAR Director Demosthenes Escoto na sa ilalim ng kanilang re-fleeting program ay humihiling sila ng tatlong bagong vessels para sa kada dalawang taon.

Ito umano ang target sa ngayon para sa gayon pagsapit ng sampung taon ay kumpleto na nila ang set ng kinakailangang patrol vessels sa WPS.



Batay sa estimate ng BFAR, ang bawat MCS patrol vessel ay nagkakahalaga ng P150 million hanggang P200 million at ang bawat vessel ay may kakayahang magsuplay ng langis at iba pang logistics tulad ng pagkain na makakatulong din sa ating mga mangingisda.

Bukod dito, maaaring magamit ang mga vessel sa relief operations tuwing may kalamidad.



Suportado naman ni Senator JV Ejercito ang nasabing panukala ng BFAR dahil mas dapat na nakikinabang sa marine resources ng West Philippine Sea ang ating mga mangingisda at hindi ang mga Chinese militia vessels.

Inirekomenda rin ni Ejercito na mabigyan ng kaunting intelligence fund ang BFAR para pambili ng vessel dahil nagagamit din ito sa pagpapatrolya sa ating exclusive economic zone sa WPS.



Gayunman, sinabi naman ni Sen. Cynthia Villar na nasa P50 million lamang ang intelligence fund na ire-realign at kukulangin ito sa halaga ng bawat maliliit na barko. (Mylene Alfonso)