Advertisers
TAOS-PUSONG pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang Phililippine Coast Guard sa kanilang serbisyo at dedikasyon sa panahon ng kalamidad.
Sa ika-122 Anibersaryo ng PCG, kinilala rin ng Pangulo ang pagtataguyod ng PCG sa seguridad sa karagatan ng bansa at pagtatanggol sa karapatan ng mamamayan, gayundin sa pagsugpo sa smug-gling.
Binanggit din niya ang pangangalaga ng PCG sa kalikasan at kaligtasan ng mga mangingisda habang isinusulong ang kanilang kabuhayan.
Iginiit ng presidente na ang integridad ng ahensya, disiplina, at propesyonalismo sa pagtupad ng tungkulin ay nakatulong sa lahat na isulong ang kolektibong pangarap ng isang mas matatag, mas makakatwiran, at mas matibay na Pilipinas.
Patuloy din aniyang isinusulong ng PCG ang mahalaga nitong papel sa pagsiguro ng soberanya ng bansa, karapatan, at hurisdiksyon, at nangunguna sa pagsiguro na igalang at kilalanin ang karapatan ng mga mangingisda sa malalawak nating karagatan.
Ang lahat ng ito, ayon kay Pangulong Marcos, ay lubos na pinahahalagahan ng gobyerno, kasama na ang kanilang pagsusulong sa panganga-laga at pagtitipon para sa kalikasan, at pag-aalaga sa kaligtasan at kabutihan ng lahat ng mga naglalayag sa mga karagatan sa bansa. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)