Advertisers

Advertisers

Magigiting na Pinoy OFW sa bayan ng mga “Anak ni Abraham”, ikinararangal namin kayo!!!

0 46

Advertisers

Sa huling tala ngayon ng Department of Foreign Affairs, pati na ng Department of Migrant Workers, apat na Pilipino na ang nasasawi sa matinding bakbakan ng Israel Defense Forces at Hamas sa Gaza sa gitnang silangan. Mayroon na sigurong mahigit isang linggo ang giyerang ito sa pagitan ng mga bansang Israel at Palestine.

Hindi maikakaila na ang Israeli ay isang maliit na bansa na dati rati, ayon sa mga sinaunang naaaninag pa na mapa sa gitnang silangan, ay kabahagi ng bansang Palestine na pawang Arab-Muslim ang relihiyon. Ngunit nang ang Israel ay naging bansa na na humiwalay sa Palestine, ang mga Israeli Jew na kung ituring ang kanilang lahi ay lahi ng mga “Anak ni Abraham”, ay naging isang maunlad na bansa na may malakas na sandatahang lakas. Ang kanilang bantog na Israeli commandos ay kinikilala sa buong mundo na mahuhusay sa larangan ng digmaan lalo na sa malapitan o dikitang pakikipagtunggali sa sinumang kaaway.

Balikan natin ang sinimulang gulong ito ng mga Hamas na Palestino na nagising na lang ang bansang Israel sa kanilang pagsalakay sa Gaza, isang lugar sa Israel na bahagi niya ang katimugan at ang hilaga ay impluwensayado ng Palestino. Sa pagbilang ng mga araw simula nang ito ay sumilakbo, nagulantang ang buong mundo dahil sa pagtaya ng marami, naisahan ng mga Hamas ang mga batikang Israel Defense Forces. Ito na ang hanggang sa ngayon ay isang pauna, sabi ng ilang sumusubaybay sa mga kaganapan dito sa gitnang silangan, ng mas marahas na tuligsaan ng mga pwersa, kasama na ang US na lantarang nasa likod ng Israel…hanggang sa dulo ng hangganan!



Maunlad ang bansang Israel, isa siya sa mga maraming OFW sa gitnang silangan … tulad ng Qatar, Lebanon, Egypt, Syria, UAE, Saudi Arabia, at Yemen. Sa huling balita mula sa ating DFA at DMW, apat na Pilipinong overseas foreign workers na ang nasasawi sa umpugang ito ng parehong malalakas na bansa.
Hindi naman natutulog ang ating mga kinatawan sa mga bansang nagbabanggaan, nakikipagtulungan silang mabuti para lang mai-repatriate ang ating iba pang OFW na ibig na ring umuwi at makapiling ang ka ni-kanilang mga pamilya.

Masaklap ang malagim na dinadanas ng ating mga kababayang OFW—na di naman maawat ang pagalis sa bansa para lang mabuhay ang kanilang pamilya. Sa ating mga naririto, hanggang sa panghihinayang na lang at walang katugunan kung hanggang kailan natin daranasin ang karanasang ito. Na, kung mamarapatin sana ng liderato ng mga nagpapatakbo ng gobyerno ang “exodus” na ito ng mga OFW tungo sa gitnang silangan ay maremedyuhan at gawan ng paraan na di na lalayo pa ang pobresitong Pilipino at duon di palaring maputlan ng kaisaisang buhay.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">