Advertisers

Advertisers

NAGKAKALAT SI INDAY SIBA

0 205

Advertisers

TULUYAN nawala ang bait ni Misfit Sara, ang pulitiko mula Davao City. Dahil sa tindi ng public pressure para ipaliwanag ang nabalitang paglustay (o pagbulsa?) ng P125 milyon sa loob ng 11 araw noong 2022, hindi na hindi nagsalita ng maayos ang dating alkalde ng Davao City. Inday Kalat na itinawag sa kanya.

Dahil sa tindi ng public pressure, minarapat ng Kamara de Representante na tuluyang alisin ang panukalang confidential fund na may kabuuang halaga ng P650 milyon sa OVP (P500-M) at Deped (P150-M) sa panukalang national budget para sa 2024. Ipinanukala na ilipat ang halaga sa mga sangay ng gobyerno na humaharap sa usapin ng national security.

Hindi nalalayo sa isang paslit na inagawan ng kendi si Misfit Sara. Nagwawala sa galit, bumbula ang bibig, at sa tindi ng pagkayamot at galit sa mundo, nawalan ng matwid. <Kung ano-ano ng salita ang lumabas sa bibig ni Misfit Sara. Hindi bagay sa isang tao na tumatayong pangalawang pangulo. Mistulang maton sa kalyehon.



Inakusahan ang mga pulitiko nag-alis sa panukalang confidential fund sa dalawang sangay na nasa ilalim niya na pamumulitika. Hindi pamumulitika iyan, Misfit Sara. Dahil hindi niya nabigyan ng sapat at kapani-paniwalang paliwanag ang nakatakdang confidential fund, inalis ito sa kanyang pangangasiwa. Hindi kasi malayo na nanakawin lang niya ang salapi ng bayan.

Nagsumbong sa ama na tila nababaliw si Misfit Sara. Tulad ng nakagawian, nagmura sa galit si Gongdi. Tinakot si Rep. France Castro ng ACT Teacher party List Group, ang mambabatas na nagsiwalat ng hindi maipaliwanag na paglustay sa salapi ng bayan. Ngunit sumablay si Gongdi sa kanyang drama. Pinagtawanan at nilibak siya dahil laos na siya.



Nakialam rin ang utusan na si Harry Roque. Dahil hindi naiintindihan ng ganap ng patapon at pipitsugin na si Harry ang isyu, sumabit at tulad ni Gongdi, pinagtawanan dahil sa kawalan ng katwiran. Walang matakbuhan si Misfit Sara kahit tumulong sa kanya si Bato dela Rosa, ang isa pang pipitsugin at patapon na mambabatas na walang alam sa mga isyu ng bayan.

Nakialam na si Bong Go, ang mambabatas na walang winning face. Idinepensa rin siya ni Alan Peter Cayetano na tinawag na Cawatano sa social media. Sa maikli, mga pipitsugin at patapon ang resbak ni Sara. Walang matino at magaling na pulitiko ang sumuporta sa kanya. Pawang lumalayo ang mga pulitiko na may paggalang sa sarili at kilalang may paninindigan. Pawang mga oportunista ang pumanig sa kanya.



Sa huli, lumabas sa eksena si Misfit Sara. Pinagbintangan ang mga mambabatas na pumatay sa kanyang confidential fund na namumulitika. Pilit na pinaalalahanan ang mga kalaban na 2028 pa ang halalan. Hindi namin alam kung matino ang isip ni Misfit Sara. Mukhang nasisiraan ng ng bait. Tuluyan ng nawala sa tamang pag-iisip si Misfit Sara.

Ipinipilit na halalan ang isyu sa pagkawala ng kanyang panukalang confidential fund. Nakalimutan niya na accountability ang isyu dahil hindi niya naipaliwanag ng ganap at maayos kung paano gagamitin ang napakalaking halaga. Pera na naging bato pa, ito ang dahilang bakit bumubula ang bibig ni Misfit Sara sa ginawa sa kanya ng mga dating kaibigan.

***

MAY lima pang saksi ng prosekusyon ang nakatakdang bumaligtad sa pangatlong kaso laban kay Leila de Lima. Ito ang sinabi ni Dino de Leon, isa sa mga abogado ni de Lima sa pangatlo at huling asunto laban sa dating senadora. Sa panayam ni Christian Esguerra sa podcast na “Facts First,” sinabi ni de Leon na batay ang impormasyon sa sinabi ni P/Maj. Rodolfo Magleo at P/Sgt. Nonilo Arile, ang dalawang opisyal ng PNP na bumawi sa kanilang unang testimonya na nagdiin kay de Lima sa kasong illegal drug trading sa loob ng Bilibid sa Muntinlupa City.

Hindi binanggit ni de Leon ang pangalan ng limang saksi ng prosekusyon na nakatakdang bumawi sa kanilang unang testimonya. Ayon kay de Leon, hindi binanggit ni Magleo at Arile ang pangalan ng limang saksi. Kasama sila sa sampung saksi na nakatakdang iharap ng prosekusyon sa pagpapatuloy ng pagdinig ng huling asunto ni de Lima sa Muntinlupa City regional trial Court (RTC). Kung matutuloy, pito sa sampung saksi ang bumaligtad sa kanilang testimonya laban sa de Lima. Patunay na mahina ang kaso laban sa dating senador, ani de Leon. Walang ibang patutunguhan iyan kundi palayain si de Lima, aniya.

Sinabi ni de Leon na bago mag-umpisa ang pagdinig noong Lunes, iniabot ni Magleo sa dating senadora ang liham kung saan sinabi nilang dalawa ni Arile na binabawi nila ang kanilang testimonya laban sa kanya. Kahit si de Lima ay nagulat at ninerbiyos sa ginawa ni Magleo, aniya. Pirmado ni Magleo at Arile ang kanilang liham. Batay sa unang resolusyon kung saan itinakdang tungkulin ng prosekusyon at depensa na sabihin ang lahat ng nangyayari, iniharap ang liham ng dalawang police officer sa hukuman. Dahil sa development, tumanggi ang prosekusyon na iharap si Magleo at Arile sa korte.

Samantala, inilipat ng NBP si Magleo mula sa Sablaya Penal Colony sa Occidental Mindoro sa Minimum Security Compound ng Bilibid sa Muntinlupa. Si Arile naman ay itinalaga sa National Bureau of Investigation (NBI). Nahatulan ang dalawang police officer na nahatulan sila ng isang korte na mabilanggo sa sala ng kidnapping. Sinabi ng dalawa na binawi nila ang kanilang testimonya dahil binagabag sila ng kanilang budhi sa mali-maling unang testimonya. Tinakot lang sila umano, ani de Leon. Balak ng dalawa na bawiin ang testimonya maski nong 2018, ngunit hindi ito nangyari aniya.

***

KAWAWA si Misfit Sara sa social media. Binayo siya ng maraming tuligsa at maanghang na salita. Hindi siya tinigilan na maraming netizen sa kanilang batikos sa kanyang masamang asal. Ibinisto na iba ang kanyang agenda. Maraming netizen ang nag-akusa kay Misfit Sara ng itinakdang pandarambong sa kaban ng bayan.

Ayon ka Da Celestine, isang netizen at kritiko: “Explain mo muna saan mo ginamit iyong P125-M. Iyan ang central issue! Wag mo paikutin mga Pilipino. Sumunod ka sa batas. Respect the taxpayers! If not … tuloy-tuloy na pagbulusok mo.”

May sinabi rin si Waweyn, isang netizen: “Napansin nyo yung pattern ni Inday Butangera aka swohpang aka with ghost employees, gumagawa ng kabulastugan tapos magpapakyut. Gagawa ng kabastusan tapos pagpapabebe after, hindi mo kami maloloko inday.”

Matindi ang bagsak ng salita ni Antonio Montalvan II, netizen at mamamahayag na taga-Davao City: “Accustomed to her city’s culture of silence, Sara was a spoiled brat in Davao City. The nation has no plans to treat her the same way. In the national fishbowl, her every entitlement will be scrutinized, her secrets revealed.”

May salita si Tito D. Ramones, isang netizen: “Tumatambling na naman sa paggawa ng script ang mga DDS trolls. Kailangan nilang ipagtanggol ang sala-salabit at sabog sabog na pahayag nung butangera. Umiikot na sa buong mundo yung mga pinagsasabi, eh ang tanong lang naman,.. Paano niya ginastos yung P125-M within 11 days?”