Advertisers
Ni BETH GELENA
HANDANG-handa na sa pagbabalik ngayon ang It’s Showtime family.
Tapos na ang kanilang suspension na 12 days.
Nag-mark na ng 14th anniversary ang noontime show kamakailan kaya naman nagbigay ng mensahe sina Anne Curtis at Vice Ganda para sa 14th anniversary ng ‘It’s Showtime.’
Sa Instagram page ng Pinay-Aussie actress/TV host ay ibinahagi niya ang ilang clips ng programa na sinelebreyt nila ang anniversary ng programa.
“14 years with so many mems. There’s a part na nakakaiyak but don’t worry made it bawi right away to make you guys laugh again with some pretty solid moments,” ani Anne ss caption.
May compiled clips din siya mula sa TikTok saying, “Grabe hirap to compile all of my faves but this is what I could find on TikTok but I’m sure there’s so much more.”
Hindi man daw sila nakapag-celebrate nu’ng actual date ng anniversary sa ere, they will already be returning soon.
“Sad we aren’t celebrating with you on air today but hey, just a few more sleeps! Showtime will be right back! Happy anniversary Madlang People and Showtime fam! We love you guys!”
Agad na nagreact ang netizens sa post ng TV host.
“‘Yung Showtime talaga parang kwento ng isang buong pamilya. Minsan masaya, minsan may pinagdadaan, masaya ulit, lungkot, nasasaktan din pero bumabangon at kumakapit pa rin sila sa isa’t isa. Yan ang pamilya, hawak kamay, solid Showtime,” sey ng isang fan.
“Forever fan here! Cheers to many more years of laughter and fun-times Love you It’s Showtime fam!”
Maging si Meme Vice ay may mensahe rin para sa anniversary ng kanilang programa.
“Happy 14th Anniversary my It’s Showtime family!!!! You are worth all the joy and pain. You are worth fighting for. To more years full of love with you and the Madlang People!!! Papapapapapapa ra papa!!!! with 3 hearts emoji”
***
JULIA DINENAY NA PINUNA ANG PAG-IINGAY NG PRESS PEOPLE
KLINARO umano ni Julia Barretto ang ginawa niyang pagpuna sa press people.
Sa Instagram story ng actress hindi raw ang press ang kanyang tinawagan ng pansin kundi some noisy group of people.
Aniya, hindi raw sila magkarinigan dahil sa ingay ng mga tao.
Sambit pa niya, “Also, this was back in June for Will You Be My Ex. Why now? Anyway, next clickbait.”
“Hello. This is false. I was pertaining to some people who seemed not to be mindful of the ongoing event, NOT the PRESS. Media conferences are always the space for us to have conversations with our friends from the press.”
Nagtataka raw siya kung bakit ngayon lang nilabas ang viral video, samantalang last June pa raw nangyari iyon sa presscon ng Will You Be My Ex?
“We were trying to answer their questions and it was getting a bit difficult to hear each other. Also, this was back in June for Will You Be My Ex. Why now? Anyway, next clickbait…”
***
MARAMI ang natuwa dahil naka-follow na sa isa’t isa sina Heart Evangelista at Marian Rivera sa Instagram.
Nagkaroon kasi ng isyu noon ang dalawa nang magkasama sila sa isang proyekto.
Dahil doon nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawang aktres.
Andiyan pa ang laging pagkukumpara ng fans sa kanila.
Matapos ang naging isyu nila noon ay hindi na muling nagkatrabaho ang dalawa.
Temptation Island ang huling pinagsamahan nila noong 2011.