Advertisers

Advertisers

Mag-ina patay sa sunog sa Parañaque

0 23

Advertisers

NASAWI ang 67-anyos na senior citizen at anak nitong lalaki nang ma-trap sa isang sunog sa Parañaque City, Huwebes ng madaling araw.

Kinilala ang mag-inang biktima na sina Salud Belmonte at anak na si Bryan, 41.

Sa report ng Paranaque City Police, nagsimula ang sunog 12:36 ng madaling araw sa ikalawang palapag ng bahay na pag-aari ng mga biktima sa Canaynay Avenue, Bernabe, Phase 3, Barangay San Dionisio ng nabanggit na lungsod.



Dahil sa lakas ng apoy, nadamay ang iba pang kabahayan na pawang gawa sa light materials.

Hindi nagawang mailigtas ng mag-ina ang kanilang mga sarili nang ma-trap sa loob ng kanilang bahay at natagpuan ang mga ito ng mga bumbero na wala nang buhay.



Ala-1:56 ng madaling araw nang maapula ang apoy ng rumispondeng mga bumbero, at 3:00 ng umaga araw ideklarang fire out.

Tinatayang nasa 20 kabahayan ang tinupok ng apoy at nasa 40 pamilya ang apektado sa naturang insidente. (Gaynor Bonilla)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">