Advertisers

Advertisers

Bagong halal na barangay kapitan pinatay

0 26

Advertisers

TODAS ang isang bagong halal na barangay chairman nang barilin sa Pagadian City nitong Miyerkoles.
Kinilala ang biktima na si Rofoldo “Lolong” Dacol, bagong halal na chairman ng Brgy. Lapedian, Pagadian City.
Ayon kay Lt. Colonel Helen Galvez, spokesperson ng PRO9, 6:38 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa Bgy. Lapedian.
Sakay ang biktima sa isang tricycle na kanyang ipinaparada nang lapitan ng isang lalaki na nakasuot ng t-shirt at short pants at pinaputukan kungsaan bumulagta ang biktima, at mabilis na tumakas ang salarin sa ‘di nabatid na direksyon.
Dinala ang biktima sa pinakamalapit na ospital ngunit hindi na ito umabot ng buhay.
Narekober ng mga otoridad ang isang basyo ng bala ng caliber .45 sa pinangyarihan ng krimen.
Naniniwala ang supporters at mga kamag-anak ni Dacol na may kinalaman sa kanyang pagkakahalal nitong October 30 Barangay elections ang pagkakapatay sa kanya.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa krimen. (Mark Obleada)