Advertisers
SUGATAN ang 10 sundalo at 1 miyembro ng CAFGU nang tambangan ang convoy ng military sa Tipo-tipo, Basilan, Lunes ng umaga.
Nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang mga sugatang sundalo na sina Sgt. Rolando C Tumbali Jr, 2Lt. June Joseph M Madla ,Sgt Cari-nio L Guyod, Cpl Anton Gregory De Guzman, PFC Almer C Sinarellos, PFC Jay N Taripe, Sgt Allan M Veniegas, Cpl Roel Hagonoy, PFC Glen R Estardo, PFC Mark Anthony E Abianares, at CAA Nursifa S Asani na pawang nakatalaga sa 45th Infantry Battalion.
Sa report ng AFP, 7:45 ng umaga nang tambangan ang 3 military convoys at 3 civilians sa Sitio Bauno Dagao, Barangay Badja, Tipo Tipo.
Sakay ang mga sundalo sa tatlong KM450 trucks at 3 civilan vehicles patungo sa Lamitan City sa Headquarter ng 1101st Infantry Brigade mula sa Tipo-Tipo. Habang binabaybay ng convoy ang nasabing lugar ay pinaulanan sila ng mga bala mula sa gilid ng highway, nagresulta ng pagkakasugat ng 10 sudalo at 1 CAFGU.
Pinaniniwlaan ng military na paghihiganti ng grupo, sa pamumuno ng isang Saddan Siddick, sa isinagawang military operation kamakailan kungsaan nakaengkwentro ang nasabing grupo sa Brgy Baimbing, Lamitan City. Sa naganap na engkwentro ay nasawi ang second wife ni Siddick na si Nermalyny Sa-lapuddin Musa.
Patuloy ang isinagawang imbestigasyon ng mga otoridad at pagtugis sa mga tumatakas na mga aramadong grupo. (Mark Obleada)