Advertisers
NASAWI ang tatlong menor de edad at lima ang sugatan sa isang malakas na pagsabog sa Purok Raniag, Barangay Sinamar sa Roxas, Isabela, Linggo ng umaga, Oktubre 4.
Kinilala ang mga nasawi na sina John Mark M. Peralta, John Yohan J. Binuyat, at Emmanuel C. Disamito.
Si Peralta, isang 8-taon gulang na mag-aaral sa Grade 3, na kilala rin sa palayaw na “JM”, ay kabilang sa mga kritikal na nasugatan, na unang naiulat na namatay sa isang ospital kungsaan siya at ang kanyang mga sugatang kasama ay dinala ng emergency responders.
Natuklasan ng mga awtoridad na may ilang bata na nakakita ng isang bagay na metal, at naiulat na nilalaro nila ito ilang sandali bago ang pagsabog.
Sinabi ng isang saksi na nakita niya ang mga biktima na naglalakad sa kalsada bago nakarinig ng malakas na pagsabog at natagpuan silang nakahandusay sa lupa.
Isinugod ang mga biktima sa Manuel Roxas District Hospital para sa agarang lunas.
Sinabi ng mga imbestigador ng pulisya na hindi pa nila matukoy kung ano ang bagay na sumabog. Hindi parin sila sigurado kung ito ay isang granada o iba pang uri ng pampasabog at kung saan ito nagmula.