Advertisers

Advertisers

“Electric trains at electric tricycles laban sa mga sakit gawa ng air pollution na nagdudulot ng Global Climate Change”

0 22

Advertisers

Ginanap ang isang historical closing at awarding ceremony ng isang national environmental watchdog sa Cuneta Astrodome kahapon kasama ang Philippine National Railways (PNR) sa pamumuno ni PNR Chairman Michael Ted Macapagal at ang buong Metro Manila Tricycle Operators and Drivers Association ( NCR-TODA) na pinagunahan ng Presidente nito na si Ace Sevilla.

Ayon sa Clean Air Philippines Movement, Inc.(CAPMI), naganap ang selebrasyon sa pakipag tulungan ng Pasay City Local Government headed by Mayor Eme Calixto -Rubiano at ng grupong nagbabantay sa kalikasan ng bansa.

Sinabi ng CAMPI na ang Electric trains at electric tricycles ang sagot nila laban sa mga nakakamatay na sakit ng tao at Climate Change na dulot ng maduduming usok na binubuga ng mga sasakyan.



Inanunsyo ni PNR Chairman Macapagal na ang mga lumang at mauusok na mga PNR trains ay papalitan na ng electric trains na kasama sa 2024 PNR Modernization Initiative na sinisimulan niya.

Sa nasabing parangal para sa mga 2023 ” Clean Air Champions” sa Pasay City sinasang-ayunan din ni NCR TODA President Ace Sevilla na dapat magpalit na ng mga mas malinis at ligtas na uri ng mass public transportations para maiwasan ang mga sakit sa mga kakabayan natin at ang climate emergency.