Advertisers

Advertisers

CRIME WATER SA SJDM SINUSOLUSYUNAN!

0 3

Advertisers

Bukod sa mga CRIME WATER na nalilikha ng mga matinding PAGBAHA sa iba’t ibang lugar ay matagal nang tinitiis ng mga CONSTITUENT sa SAN JOSE DEL MONTE CITY ang CRIME WATER SERVICES mula sa halos pupugakpugak o marumi o kung hindi man ay halos may burak na tubig ang dinadanas ng mga residente.

Ang matinding problema sa water distributions na hindi man ito saklaw sa kapangyarihan ni SJDM CITY MAYOR FLORIDA “RIDA” ROBES dahil saklaw ito ng mga water district ay pinagsikapan pa rin ito ng naturang CITY.MAYOR na masolusyunan para mapagmalasakitan ang kanilang constituent laban sa masamang epekto sa kalusugan mula sa hindi kaayaayang distribusyon ng tubig.

Matinding krisis sa tubig ang dinadanas mula pa sa mga nagdaang taon ang lungsod ng SJDM, BULACAN.., kaya naman ang naging description sa SERBISYO ng tubig ay CRIME WATER dahil maraming mga barangay ang walang maayos na SERBISYO ng tubig at kung mayroon man ay may mga burak pa ang lumalabas sa mga grupo.

Ayon sa mga residente..,
habang nagkakaroon ng transition mula sa Crime, este PRIMEWATER/HIRAYA, patungo sa mas may karanasan na water utility company ang SAN JOSE DEL MONTE ay hindi maiwasan na magkaroon ng kaunting technical difficulties.., na sabi nga ay may WATER CRISIS na nga ay pinupulitika pa ang kanilang CITY MAYOR.

Mayroon umanong isang KONSEHALA ang tila hindi sang-ayon sa ginagawang aksiyon ni MAYOR ROBES at ginagamit daw ang isyu ng serbisyo sa tubig na kung aanalisahin daw ang tila “GRANDSTANDING” ng KONSEHALA ay paghahanda na ito sa susunod na halalan sa kanilang lungsod.

Ang binabanggit na tila kontra sa pangangasiwa ni MAYOR ROBES ay ang kanilang AKBAYAN COUNCILOR RONALYN PORDAN na ayon sa ilang mga barangay official ng kanilang lungsod ay nagsaad laban sa mga nagtatangkang sirain ang mahusay at tamang pamamahala ng kanilang CITY MAYOR.., ay huwag na huwag umanong paaalabin ang damdamin ng bayan laban sa kanilang alkalde na isinakripisyo ang lahat ma-improve lamang ang problema sa tubig.

Ayon naman sa ilang mga residente ay huwag daw munang mag-astang celebrity ang kanilang KONSEHALA dahil malayo pa naman daw ang 2028 at walang magagawang mabuti ang pamumulitika habang ang ilang barangay ng bayan ay nagdurusa.

Bunsod nito mga ka-ARYA.., ang panawagan ng mga taga-SJDM ay mas kailangan ngayon ang makabagong SOLUSYON kaya panahon na umano na pagkaisahin ang bayan kaysa awayin si MAYOR ROBES!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.