Advertisers
Ni PETE AMPOLOQUIO JR.
Na-bash nang husto si Kira Balenger nang i-accuse ng model-social media influencer girlfriend ni Kelvin Miranda na si Roselle Vytiaco na niloko raw siya ng
Kapuso actor at ni Kira.
Lasr March sunud-sunod ang posting ni Roselle sa kanyang personal Instagram page, na supposedly ay panloloko sa kanya ng ex-boyfriend at ni Kira.
Nang tanungin naman si Kira, she denied that she is the third party in the parting of ways of Kelvin and Roselle.
Sinabi niyang hindi raw siya dapat isinasangkot sa break-up ng dalawa.
Sa mga nangyayaring ito kay Kira, naroon naman ang singer-actor na si LA Santos para damayan siya.
Nakausap ng mga working press si LA sa nakaraang grand press conference ng pelikulang In His Mother’s Eyes.
Tinanong ng working press si LA kung ano ang suportang ibinigay niya kay Kira nung panahon na bina-bash ito ng netizens.
“I just tried my best to be there for her kasi di niya deserve yung nangyari.
“Mali yung ginawa ni Kelvin na pinabayaan niya lang si Kira, di niya dinefend which is for me, di siya gentleman.
“Mali siya (Kelvin), kaya ako bilang good friend of her, I just tried my best to be there for her. At siyempre, mas i-remind ko sa kanya na mabait siyang tao.
“Unfortunate lang yung nangyari kaya ako I’m just praying na mas ma-reach pa niya ang mga pangarap niya kasi she really deserves a very good life.
“Kasi di lang siya sobrang magaling na artista. Kumbaga sobra din siyang bait na tao.”
Kumusta naman ang panliligaw niya kay Kira? May nakikita ba siyang pag-asa?
“May time na nanliligaw pero ako personally gusto ko muna na maabot niya muna ang mga pangarap niya. Right now we’re bestfriends.
“Pag-asa? Sana, sana po. Kira is a very good person, she has a very good heart kaya siyempre di ko naman isasara yung doors diyan. Ang importante sa akin,
nandito lang ako para sa kanya.”
***
Napakabait ni Monet Lu!
APART from being a popular beauty salon operator in the US of A, Monet Lu is popular for being good natured and straight forward person in his dealings with people from all walks of life.
Mabait si Monet kaya naman after all of these years, surviving pa rin ang kanyang beauty salon business in the US.
In spite of the competition, flourishing pa rin ang kanyang business at hindi naapektuhan sa pagdagsa ng ganitong business sa America.
Pa’no naman, napakabait ni Monet. His PR is terrific and one of a kind.
Hindi siya mahilig sa mga tsismis at mas focused sa kanyang negosyo.
No wonder, people from the Philippines tend to visit his beauty salon the very moment they are in the US of A.
Since the 90s and up to now, byword pa rin ang kanyang pangalan sa larangan ng pagpapaganda.
Suffice to say, Monet is here to stay.
Congratulations!
Follow me in Police Files Tonite tabloid at Yari Ka!
Send in those amusing and sizzling stories at #09276557791.
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!