Advertisers

Advertisers

‘Queendom: Live’ hahataw na sa pagbirit at pagsayaw sa Dec. 2

0 15

Advertisers

Ni BLESSIE K. CIRERA

HABANG papalapit ang December 2 ay lalong tumitindi ang excitement ng mga reyna sa kantahan na sina Julie Anne San Jose, Rita Daniela, Thea Astley, Jessica Villarubin, Mariane Osabel at Hannah Precillas.

Ganapin na kasi ang first concert together ng anim na singing queens na pinamagatang Queendom: Live sa Newport Performing Arts Theater.



Tsika ni Julie Anne, 2022 pa lag daw ay pinlano na ang kanilang concert. Alay anya nila ang Queendom: Live sa kanilang mga tagahanga na nagbibigay inspirasyon sa kanila.

Nagtutulungan umano ang mga nasabing singers at hindi raw pumasok sa isip nila na magsapawan.



May kanya-kanya raw silang solo performances na maipakikita nila ang kanilang talento sa pagkanta.

Hindi lang daw puro kanta ang gagawin nila kundi pati pagsayaw.



Nang tanungin naman sa kanilang musical influences, narito ang kanilang mga sagot.

Julie Anne– Regine Velasquez-Alcasid at Beyonce

Rita Daniela–Lani Misalucha, Barbra Streisand

Mariane– Sarah Geronimo, Jennifer Hudson

Jessica– Regine Velasquez-Alcasid, Beyonce

Thea– Jaya, Lady Gaga

Hannah– Regine Velasquez-Alcasid, Rachelle Ann Go, Beyonce

Idinagdag pa nila na ang isang tunay na queen daw ay marunong makinig, pursigido, positibo, at best version ng sarili niya.

May ilang special guests din sa concert ang mga queens na ayaw pa nilang sabihin para may surprise raw sa audience. Pero tiyak na matutuwa umano ang mga manunood.

Samantala, inaasahan din ang pagdalo sa concert ng bf ni Julie Anne na si Rayver Cruz.

Sey ng singer-actress, ine-enjoy daw nila ni Rayver ang kanilang relasyon at wala pa sa plano nila ang pagpapakasal bagama’t sigurado na naman daw sila sa isa’t isa.

Ang Queendom: Live ay mula sa direksyon ni Miguel Tanchanco. Makabibili pa ng ticket sa mga nais makapanuod ng concert.