Advertisers
Nakakalungkot na balita mga Ka Usapang HAUZ tinatayang 11 ang nasawi habang 46 ang sugatan sa ginawang pagbomba ng mga terorista sa Dimaporo Gymnasium ng Mindanao State University sa Marawi City habang nagsasagawa ng isang misa ang mga estudyante at guro kahapon ng umaga.
Dahil sa pangyayari ay halos buong miyembro o lahatin na natin ewan lang kung okey sa mga makakaliwang grupo ang pagkondena ng House of Representatives sa ginawang pagpapasabog sa Dimaporo Gymnasium na marami ang nasawi at nasugatan.
Unahin na natin mga Ka Usapang HAUZ ang naging pahayag sa pagkundena ni Deputy Minority Leader Basilan Rep. Mujiv Hataman sa hindi makataong pagbomba sa Mindanao State University, Dimaporo Gymnasium sa Marawi City.
“This is plain and simple terrorism. Wala na tayong ibang salita para ilarawan ang karahasan na ginawa sa mga estudyanteng payapang nagdadaos ng misa kanina, isang malayang pagpapahayag ng kanilang relihiyon” ani ni Cong. Hataman.
Sinabi ng Mambabats na katulad ng madalas nating sabihin, walang lugar ang karahasan sa isang sibilisadong lipunan. At ang mga responsable sa pambobombang ito ay dapat managot sa ilalim ng batas.
“Nakikiramay tayo sa mga pamilya ng mga namatay sa insidenteng ito. Hindi dapat nagiging target ng karahasan ang ating mga anak. Hindi battle zone ang ating mga paaralan. Dapat ay panatag ang mga magulang na ligtas ang kanilang mga anak sa loob ng eskwelahan” pahayag ni Hataman.
Sa huli ay nananawagan ang mambabatas na I call ang authorities to investigate this fully, leaving no stone unturned. The perpetrators should be unmasked. Babantayan natin ang developments ng kasong ito para masiguro na magkaroon ng hustisya ang mga biktima at ang kanilang mga pamilya.
Statement ni House Speaker Martin Romualdez sa pagkondena sa bombing incident sa MSU gymnasium.
On behalf of the House of Representatives, I extend our deepest sympathies to the victims of the heartbreaking incident at Mindanao State University.
This act of violence, which has led to the loss of lives and injury of many, particularly students, is a stark reminder of the challenges we face in ensuring peace and security in our communities.
As we await the results of the ongoing investigation, I appeal to everyone for calm and sobriety.
The House of Representatives is fully committed to supporting the affected residents and ensuring that those responsible for this heinous act are brought to justice.
We stand ready to provide the necessary assistance to aid in the recovery and healing of the community.
This tragic event, occurring in a place of learning and fellowship, is deeply troubling. We must work together to maintain peace and prevent such incidents from derailing the peace process in Mindanao.
The House of Representatives will closely monitor the situation and coordinate with relevant agencies to ensure a swift and just response.
To those who seek to disrupt the peace and harmony in our society, know that such actions will not be tolerated. We will take all necessary steps to deal with any form of sabotage against the peace and safety of our people decisively.
In these trying times, let us come together in solidarity and resolve to overcome this challenge.
Our thoughts and prayers are with the victims, their families, and the entire community affected by this tragedy.
Samantala mga Ka Usapang HAUZ kapag ang pinagusapan ay ang mabilisang pag-aksiyon eh walang iba kundi Tingog Party List nina Rep. Yedda Romualdez at Rep. Jude Acidre.
Alam po ba ninyo mga Ka Usapang HAUZ na wala ng ni ha ni ho ay mabilis na tumulak patungong Mindanao State University ang tropang Tingog Party List, siyempre sa pangunguna nina Rep. Yedda at Rep. Acidre para magsagawa ng medical and relief assistance sa mga biktima ng pambibomba at alamin ang iba pang pangangailangan ng mga biktima.
Tulad ng ibang kongresista ay nagpahayag din ng saloobin sa pagkondina si Tingog P-L Rep. Romualdez sa naganap na pambomba sa Mindanao State University Gymnasium.
“We condemn this violent attack and our hearts break for those who lost loved ones as well as those recovering from injuries”, Let it be known that Tingog Party List will always be the first to respond when people are in need.
***
Para sa Inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com o tumawag or mag txt sa 09352916036