Advertisers

Advertisers

Damputin at kasuhan ang mga online scammer

0 63

Advertisers

SALAMAT naman at pagkatapos ng napakahabang panahon ay nakapag-isip na rin ang ating mga awtoridad na dapat ng sampahan ng kaso ang mga social media platforms na FB, Instagram at X na dating Twitter.

Ang planong kaso ay dahil sa kabiguan nila na pigilan ang walang katapusang scam na ginagawa ng mga dorobo at pekeng mga negosyante gamit ang nasabing mga social media platforms.

Tama naman ang planong ito di ba Asec Aboy Paraiso ng Department of Information and Communications Technology?



Sana nga lang ay huwag maging puro plano lang ito.

Marami na rin akong mga kakilala at mga kaibigan na nabiktima ng ibat-ibang klase ng online scam.



Iyong iba ay nabentahan ng produkto na pagkaganda-ganda ng presentatsyon sa online pero sablay at palpak pagdating sa aktwal na delivery.

Ang modus naman ng iba ay magbenta ng ibat-ibang uri ng gamot na na gumagamit pa ng mga hindi awtorisadong imahe ng mga kilalang personalidad na gaya ni Dr. Willy Ong at iba pa.



Pero as usual ay walang bisa at pekeng mga produkto ang ibinibigay nila na maaring magdulot pa ng mas malalang sakit sa kanilang mga biktima.

Nagagamit din ng mga kumag na scammer na ito ang online para manloko sa investment at cryptocurrency scams na ang mga biktima ay naiiwang tulala matapos malimas ang kanilang mga pera.

Ilan lamang ang mga nabanggit kung mga raket na ito sa mga kagaguhang ginagawa ng mga kriminal para makapanloko ng kanilang kapwa.

Kaya naman panahon na para sampahan ng kaso at huwag ng magpatumpik-tumpik pa ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) laban sa mga social media platforms na ginagamit ng mga scammer.

Kung talaga kasing interes ng publiko at hindi negosyo ang prayoridad ng mga online platforms na ito, ay matagal na nilang dapat na pinigilan at i-block man lang ang mga manlolokong ito.

At hindi lang dapat ang mga social media platforms ang sasampahan ng kaso kundi pati ang mga delivery firm na hindi nakikipagtulungan sa mga biktima kapag nagsampa sila ng reklamo.

Siyanga pala, puwede namang iregulate ng pamahalaan ang mga foreign businesses na nagsasagawa ng pagnenegosyo sa bansa.

At kung hindi kayang tanggalin ng mga online platforms na ito ang suspicious at malicious ads ay puwede naman na ang gobyerno na ang magtanggal ng mga ito.

Aksyonan na agad at damputin at kasuhan ang mga online scammer na iyan!

Abangan!