Advertisers

Advertisers

SK Chairperson ang dapat humawak ng Committee on Sports and Youth Dev. sa Sangguniang Barangay – PRO Venancio, Jr.

0 118

Advertisers

Nais ipabatid para sa kaalaman ng lahat na ang SK Chairperson ang dapat humawak ng Committee on Sports and Youth Development sa Sangguniang Barangay bilang “ex-officio” member nito.

Ayon kay SK Federation ng Maynila Press Relation Officer (PRO) Joey Venancio Jr., nais nilang linawin ang usaping ito matapos na makatanggapn sila ng mga reklamo sa kapwa nila mga SK Chairperson mula sa iba’t-ibang barangay.

Sinabi ni Venancio sa kanyang post sa facebook, na ayon sa Chapter II, Section 12 ng Republic Act 10743 o mas kilala bilang “SK Reform Act of 2015”:



“Sangguniang Kabataan Chairperson. – The chairperson of the Sangguniang Kabataan shall automatically serve as an ex officio member of the Sangguniang Barangay upon assumption to office. As such, he or she shall exercise the same powers, discharge the same duties and functions, and enjoy the same privileges as the regular Sangguniang Barangay members; and shall be the chairperson of the Committee on Youth and Sports Development. He or she shall be entitled to a pro-rata honoraria for every session of the Sangguniang Barangay he or she has attended.”

Ayon kay Venancio na malinaw ang isinasaad ng kautusan na ang chairperson ng Sangguniang Kabataan ang awtomatikong magsisilbing ex officio member ng Sangguniang Barangay sa pag-upo sa tungkulin. Dahil dito, dapat niyang gamitin ang parehong mga kapangyarihan, gampanan ang parehong mga tungkulin, at magtamasa ng parehong mga pribilehiyo tulad ng mga regular na miyembro ng Sangguniang Barangay; at magiging tagapangulo ng Committee on Youth and Sports Development. May karapatan din ito sa pro-rata honoraria para sa bawat sesyon ng Sangguniang Barangay na kanyang dinaluhan.



“Malinaw po na sinasabi ng batas na ang SK Chairperson po ang dapat na humakaw sa kumite na ito. Hindi puwedeng hindi ito ibigay ng kapitan sapagkat malinaw ang nasa batas,” pahayag ni Venancio.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">