Advertisers

Advertisers

No. 2 top most wanted sa Malabon, timbog

0 58

Advertisers

Arestado ang isang lalaki na wanted sa kasong pagpatay nang masakote sa isinagawang manhunt operation ng Malabon PNP.

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naaresto na si alyas “Junboy”, nakatala bilang No. 2 Top Most Wanted Person sa Malabon at No. 3 Top MWP naman sa Northern Police District (NPD).

Base sa report ni Col. Baybayan kay NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap ang mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 2 ng impormasyon na gumagala ang akusado sa Brgy. Tugatog.



Sa ulat, 5:40 ng hapon nang maaresto ang susper sa Progreso street, Barangay Tugatog.

Dinakip ang akusado sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Murder na inisyu ni Presiding Judge Ma. Antonia Linsangan Largoza-Cantero ng Malabon City Regional Trial Court Branch 291, noong November 7, 2023 at walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya.(Beth Samson)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">