Advertisers

Advertisers

PERGALAN NI EGAY SA KAWIT AT ROSARIO, CAVITE, MAY SUGAL NA, MAY SHABU PA?

0 62

Advertisers

Matindi pala talaga itong si EGAY sa Cavite PNP.

Nakapaglatag na ng peryang may sugal sa Kawit at Rosario,naiisingit pa rin nito ang pagtutulak ng shabu sa kanyang mga puwesto?

Wala pala talagang takot itong kupal na si EGAY sa mga awtoridad at sa batas.



Lantaran ang paggawa ng iligal dahil alaga nito ang mga umano’y patabaing baboy ng Cavite Police Provincial Office.

Saan nga palang lupalop galing itong si EGAY na ngayon ay nagsasabog ng lagim diyan sa Rosario at Kawit.



Ipinagyayabang ni EGAY na super bagyo siya sa hepe ng kapulisan ng Kawit at Rosario dahil binubundat nya umano ang masisibang opisyal sa intelihensiya.

Magkano naman kaya nabili nitong kupal na si EGAY ang tsapa ng hepe ng Kawit at Rosario PNP?



Di lang pala mayabang itong si EGAY Kupal, matabil at madaldal pa.

Wala daw siyang pakialam sa mga taga- media dahil di naman daw puwedeng manghuli ang mga ito ng sugalan.

Ayos ah,bright boy talaga ang pindehong kupal.

Marami ng kabataan at mga estudyante ang nabiktima ng pergalan nitong si EGAY Kupal.

May daya kasi ang mga color games nito.

Ang mabigat,mistulang mga goons ang ilan sa mga personnels nitong si EGAY Kupal na tinatakot pa ang mga tahor na nananalo para wag umayaw sa pagtaya.

Ang ending,mistulang hinoholdap na ang mga mananaya.

Lagareng-Hapon talaga magnegosyo itong si EGAY KUPAL, may pasugal na,may shabu pa.

Ika nga, sinusulit talaga ang hinahatag na lingguhang payola sa mga pulis.

In short,tinotolongges at iniisahan ang mga bobong kapulisan.

Magkano naman kaya ang inilargang puhunan nitong si EGAY Kupal?

Sa Barangay officials pa lamang ng puwesto nito sa Kawit at Rosario ay umabot na raw ng kalahating MILYONG piso.

Eh yung sa bentahan ng shabu sa kanyang mga pergalan,magkano naman kaya ang investment ng kupal na negosyante?

Isa pang kupal na perya operator ay itong si Fe na may pwesto sa Barangay Maguyam, at mismong sa plaza ng Silang, Cavite.

Mga patabaing baboy din nito ang mga pulis ng Silang PNP.

Binubusog din umano ni Fe sa payola ang mismong hepe ng Silang Police Station.

Kung ganitong sa sugal at droga na ang source ng TABAKUHAN ng Cavite PNP, may dahilan nang nerbiyosin si Cavite Governor Jonvic Remulla.

Mistulang “sin province” na ang kanyang probinsiya.

May mga sugalan na,sandamaknak pa ang pondohan ng shabu.

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com