Wanted na French pedophile na naaresto sa Makati, ide-deport
Advertisers
INIULAT ng Bureau of Immigration (BI) ang pagkakaaresto ng isang French pedophile na wanted ng mga awtoridad sa Paris para sa serye ng kasong kriminal na may kaugnayan sa sexual offenses laban sa mga bata.
Kinilala ng BI’s fugitive search unit (FSU) na pinamumunuan ni Rendel Ryan Sy ang dayuhang pugante na si Theddy Douglas Tissier, 42, na naaresto noong Dec. 12 sa Chino Roces Avenue, Makati City ng mga operatiba ng (FSU).
Sinabi ni BI Chief Norman Tansingco na si Tissier ay naaresto sa bisa ng mission order na kanyang ipinalabas sa kahilingan ng French government na nag-imporma sa BI tungkol sa presensya ng pugante sa Pilipinas.
“We are going to expel him and deport him back to his country. His presence here is inimical to our national interest as he poses a serious threat to our Filipino children,” deklara ng BI chief.
Idinagdag pa nito na Frenchman ay agad na idedeport dahil nagpalabas na ang BI board of commissioners ng order para sa kanyang summary deportation pagkatapos ay ilalagay siya sa blacklist at hindi na papayagang makapasok ng Pilipinas.
Ayon sa Interpol’s national central bureau (NCB) sa Manila, si Tissier ay wanted ng prosekusyon ng judicial tribunal sa Tours, France.
Siya ay sinampahan ng kaso sa nasabing korte dahil sa pagkuha, pagtataglay, pag-aalok ng mga available, recording and fixing pornographic image ng mga bata na under 15 years of age.
Kinasuhan din siya ng sexually assaulting a minor and committing fraud in violation of the French penal code.
Kasalukuyang nakapiit ang Frenchman sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang hinihintay ang kanyang deportation. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)