Advertisers

Advertisers

Misis niratrat-patay habang nagre-relax

0 40

Advertisers

NASAWI ang 46-anyos na misis nang pagbabarilin habang nasa duyan sa Barangay VI, Vigan City, Ilocos Sur nitong Linggo.

Kinilala ng Vigan City Police Station ang biktima na si Mary Jane Lacia Garcia, may asawa, residente ng naturang lugar.

Nasa duyan ang biktima habang nagpapahinga sa may entrance ng kanilang bahay nang huminto ang isang motorsiklo sa harapan nito, at agad pinagbabaril ang biktima ng dalawang lalaki na magkaangkas sa motorsiklo.



Pagkatapos nito, mabilis na tumakas ang mga salarin.

Idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang biktima.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">