Advertisers
AABOT sa halos 300 kilos ng “double dead” na karneng baboy o “botcha” ang nasabat ng mga tauhan ng Veterinary Inspection Board sa lungsod ng Maynila.
Ayon kay Dr. Nick Santos, pinuno ng Veterinary Inspection Board, ini-report ng mga tindera sa kahabaan ng P. Guevarra St., ang isang vendor na nagbebenta ng botcha. At agad silang nakipag-ugnayan sa mga opisyal ng Barangay 364 para masakote ang hindi pa pinangalanan vendor, kungsaan iginiit nito na ganoon na raw ang itsura ng baboy nang i-deliver sa kaniya mula pa ng Bicol.
Sinabi ni Dr. Santos na nakita ng mga tauhan niya ang mga karne na nakababad sa chlorine upang magmukhang sariwa, ibig sabihin intensyon talaga ng vendor na ibenta ito.
Kaugnay nito, pinag-iingat ng Manila Veterinary Inspection Board ang publiko sa mga karneng bibilhin ngayong Kapaskuhan.
Ani Santos, dapat tiyakin na ang mga bibilhing karne ay mayroong permit na mula sa National Meat Inspection Service (NMIS) o kaya sa Manila VIB. (Jocelyn Domenden)