Advertisers

Advertisers

llegal na pagawaan ng paputok sinalakay sa Bulacan

0 49

Advertisers

HULI sa akto ang isang babae habang gumagawa ng mga paputok sa Sitio Sulucan Perez, Barangay Pulong Buhangin, Sta. Maria, Bulacan.

Nakumpiska kay Nanay Imelda Gumasing, 56 anyos, ang malalakas na uri ng paputok na Pla-pla, Bawang at 5 Star.

Ayon kay PNP Provincial Director, Lt. Colonel Jacquiline Puapo, 4:00 ng hapon ng Disyembre 17 nang masukol ang suspek matapos isumbong ng isang concerned citizen.



Nakumpiska mula sa bahayni Gumasing ang isang sako o 5,000 piraso ng 5-star, 1,400 Pla-Pla, at 100 Bawang na nagkakahalaga ng P6,000.00.

Arestado rin ng mga pulis ang dalawa katao na gumagawa rin ng mga paputok sa Brgy. San Juan, San Ildefonso.



Kinilala ang mga nadakip na sina Roy Santos, 44; at Manuel Armenta, 32, kapwa residente sa nabangit na barangay.

Paglabag sa RA 7183 (Illegal Manufacture of Firecracker) ang isasampa laban sa mga ito. (Thony Arcenal)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">