Advertisers

Advertisers

PINOY CAREGIVER NA BINIHAG NG MILINTANTENG HAMAS, NAKABALIK NA SA BANSA; ‘PASKONG SALUBONG’ SA MGA OFWS, SINIMULAN NA SA NAIA

0 44

Advertisers

WALANG pagsidlan ng kaligayahan ang naramdaman ng isang Filipino Overseas Worker (OFW) na kabilang sa kinidnap ng militanteng Hamas na umabot ng mahigit isang buwan mula nang magdeklara ng giyera ang bansang Israel sa Palestinian militant groups.

Si Jimmy Pacheco, isang caregiver sa Israel ay umupaw ang kasiyahan nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 kanina ( Lunes ) sakay ng Philippine Airlines flight PR659 via Dubai, United Arab Emirates.

Siya ay sinalubong ng kanyang asawang si Clarisse at ng kanyang mga anak, gayundin sina Department of Migrant Workers (DMW) Officer-In-Charge Hans Cacdac,OWWA Administrator Arnel Ignacio, Israeli Ambassador to the Philippine IIan Fluss at ilang representatives ng Department of Foreign Affairs.



Kasama si Pacheco sa unang batch ng mga hostage na pinakawalan ng Hamas noong Nobyembre 24 pagkatapos ng 48 araw na pagkabihag matapos kidnapin noong Oktubre 7, 2023.

Pinayuhan si Pacheco na huwag magsalita ng anuman laban sa kanyang mga kidnapper. HIndi rin nito sinagot ang katanungan kung may plano pa siyang bumalik at magtrabaho sa Israel.Gayunpaman, matatanggap niya ang benepisyo at tulong mula sa gobyerno.



Samantala, sinimulan nina OIC Cacdac at Administrator Ignacio ang “Paskong Salubong para sa Bagong Bayani ng Bagong Pilipinas” sa NAIA Terminal 1 kahapon ng umaga habang namamahagi sila ng mga loot bags sa mga dumarating na OFWs kasama ang kanilang mga anak na sakay ng Philippine Airlines mula Saudi Arabia.

Daan-daang gift bags ang naipamahagi ng gobyerno sa mga kababayan nating magbabakasyon ngayong Holiday Seasons. (JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">