“Welcome the New Year in one piece” – Mayor Honey
Advertisers
WELCOME the New Year in one piece.
Ito ang seryosong apela na ginawa ni Mayor Honey Lacuna sa lahat ng Manileño, kasabay ng pagsasabi na ang pagdiriwang ng Bagong Taon ay mas maganda kahit walang mga sumasabog na paputok, lalo na iyong mga dulot na panganib sa buhay at mga kamay at para.
Sinabi ni Lacuna na base sa ulat ng Department of Health (DOH) ay mayroong pagtaas sa kaso ng fireworks-related injuries kahit malayo pa ang selebrasyon ng Bagong Taon. Kabilang sa mga kasong naitala ay ang pagkakaputol ng mga kamay.
Sa kasalukuyan, sinabi ng lady mayor na ang fireworks related injuries ay umakyat na sa 50 kung saan Metro Manila ang nakapagtala ng mas marami.
Kaugnay nito, hinikayat ni Lacuna ang mga barangay na magtalaga ng common fireworks display area kung saan ang mga residente ay sama-samang manonood sa Isang safe and controlled environment.
Hinimok din ng alkalde ang mga residente na huwag ng gumamit ng paputok upang mapangalagaan ang kanilang sarili at iba pa mula sa panganib na dala ng paputok na maaaring magresulta sa pagkaputol ng daliri, kamay at paa.
Binigyang din ng lady mayor na ang sandaling panahon ng ng kasiyahan ay walang halaga kung madidisgrasya naman ang mahal sa buhay na labis na makakaapekto sa buong buhay nila.
“Public safety remains our foremost concern. I am appealing to all barangay authorities to convince their constituents to resort to safer ways of welcoming the New Year like using pots and pans or the traditional party horns,” sabi ng alkalde. (ANDI GARCIA)