Advertisers

Advertisers

Ate Vi hinarangang manalo na best actress sa MMFF Awards Night pero nabigo

0 11

Advertisers

Ni JIMI C. ESCALA

TAGUMPAY ang Star for All Seasons Vilma Santos sa kanyang adbokasiya na maibalik ang sigla ng pinagkakautangan niyang showbiz industry.

Kaya ganun na lang ang iyak ni Ate Vi sa kanyang acceptance speech nang tanggapin ang tropeo nilang Best Actress ng ongoing Metro Manila Film Festival.



“Sa totoo lang, from the way we look at it now, tagumpay ang náis naming mga artista na maibalik ang sigla para sa Pelikulang Pilipino sa pamamagitan ng panonood uli sa mga sinehan,” sabi pa ng MMFF best actress sa pinagbidahang movie na “When I Met In Tokyo”.

Kumbaga, pinangunahan ni Ate Vi ang sobrang kasipagan para sa promo ng movie nila ni Christopher De Leon.



Pati sa kalapit probinsiya hanggang Cebu City ay sinuyod nina Ate Vi para lang makiusap sa publiko na suportahan ang “When I Met you in Tokyo”.

Siyempre, ganun na rin ang ginawa ng mga kasamahang artista para sa pelikula naman ng mga Ito. Kumbaga, kung si Ate Vi nagawa ang halos araw araw na umiikot at makiusap para sa movie, walang dahilan na hindi nila gayahin ang grand slam actress.



True enough, nagtagumpay ang multi awarded actress dahil ang movie niyang “WIMYIT” ay dinudumog nang husto gayundin ang iba pang MMFF entries.

***

SPEAKING of her pang anim na palang MMFF best actress award, how true Ang tsikang nakarating sa amin na supposed to be may haharằng sana sa pagkapanalo ni Ate Vi?

May isang kasamahan sa industriya ang kumausap daw sa MMFF committee na huwag panalunin si Ate Vi bilang “best actress.”

Pero mali ang hula nila dahil halos lahat ng hurado ay pumabor kay Ate Vi, huh!

Naalala tuloy namin ang isang super prestigious award na supposed to be ang Star for all Seasons na talaga ang panalo pero dahil sa pakikialam ng isang may konek din sa showbiz na government opisyal, ayun na luz valdez ang idolo ng milyong Vilmanians, huh!