Advertisers

Advertisers

Christian ginawang kabit ng dating karelasyon

0 14

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

“THE Movie is about healing a broken heart, so it’s about a broken-hearted individual’s trying to find their own individual healing, so ayun, that’s what the movie is all about,” umpisang pagbabahagi sa amin ni Christian Bables tungkol sa pelikula niyang Broken Hearts Trip na entry sa Metro Manila Film Festival na ginaganap ngayon.

Lahad pa ni Christian, “I’ll be playing the character of Alfred.



“How close is Alfred to Christian Bables? Si Alfred and si Christian Bables ay pinipiling harapin ang pain kesa sa talikuran ito at magkunwa-kunwariang mag-move forward.”

Sa tunay na buhay, may hindi makakalimutang heartbreak si Christian.



“During college, mga 18 ako nun.

“2 months, pero grabe.”



Minahal niya agad ng grabe ang naturang karelasyon niya sa loob lamang ng dalawang buwan ?

“Hindi naman sobrang mahal, pero papunta na doon e, kumbaga parang naka-set yung mind ko sa pag-dive deep into the relationship.

“And then I found out na meron pala siyang mas nauna kesa sa akin.”

Pinagsabay sila?

“Oo, so ginawa niya akong kabit, nakakatawa,”  tumatawang bulalas ni Christian.

Mas matagal na iyong isang karelasyon ng girlfriend ni Christian kaya siya ang “kabit”.

Paano niya nalaman na kabit siya?

Tumatawang lahad ni Christian, “Na-wrong send siya, ganda, di ba?

“Iba yung tawag niya sa akin, iba yung tinext niyang tawag.”

Magkaibang terms of endearment ang tinutukoy ni Christian.

“Oo, pag ganun kasi chill lang ako e, so kinausap ko siya, sabi ko, ‘Ano ‘to?’, tapos ayaw niyang umamin sa simula hanggang sa eventually umamin siya, hindi niya kayang bitawan yung boyfriend niya na nauna sa akin dahil sinusustentuhan siya nun, e ito kasing girl na ‘to older than me.”

Ang nakakagulat pa, kahit ang babae ang may ibang karelasyon, ito pa ang nakipag-break kay Christian.

“Siya yung nakipag-break! Okay naman yun kasi I know she did the right thing, kasi kung ako baliw ako that time, so parang okay lang, okay lang kahit dito ako sa gilid, siya yung hindi pumayag.”

Dalawang buwan lamang sila pero dalawang taon bago naka-move on si Christian.

“Dun ko napatunayan na wala sa tagal yun, wala sa tagal, it’s how genuine and how pure the intention and the love was, so… totoo kasi e.”

Napatunayan niya na quality is not based on quantity?

“Oo, totoo kasi e, yung sa araw-araw namin nung two months na yun, totoo lahat, parang everything was magical.”

Lahad pa ni Christian, “Ako pa naman relationship to marry ako e, hindi ako maloko, ayun, dahil na rin siguro sa background ng family na kinalakihan ko, ayoko ng playtime.

“So as much as possible, kung puwede na iyon na, e kaso parang bumorder line sa katangahan, kaya yun.”

Paliwanag pa ni Christian tungkol background ng pamilya niya na kinalakihan niya…

“I grew up not having a father because I lost my dad when I was eight, so parang gusto kong makabuo ng buo at masayang family sana.

“Ganun na yung thinking ko nung 18 pa lang ako, ngayon looking back nakakatawa, nakakatawa na lang, well dala ng kabataan siguro,” muling natatawang pakli ng binata.

Wala siyang karelasyon ngayon.

Samantala, nasa Broken Hearts Trip din sina Teejay Marquez, Iyah Mina, Petite, Jay Gonzaga, Andoy Ranay, Marvin Yap, Ron Angeles at si Ms. Jaclyn Jose at marami pang iba.

***

HINDI matatawaran ang pagkakaibigan nina Marian Rivera at Nailandia owner Noreen Divina.

Nagpa-block screening si Noreen at mister niyang si Juncynth Divina ng Rewind sa EDSA Shang Mall cinema nitong December 26.

Siyempre naman ay personal na dumalo si Marian at ang asawa niya at co-star sa Rewind na si Dingdong Dantes sa naturang block screening.

Mahigpit na nagyakapan sina Noreen at Marian na isang pagpapakita na hindi lamang bilang endorser ng kanilang nail salon and spa ang turing ni Noreen sa GMA Primetime Queen kundi bilang isang matalik na kaibigan.

Mahigit isang dekada na ang friendship ng dalawang reyna, isang reyna ng telebisyon at pelikula at isang reyna ng nail salon and spa industry.

Samantala, wala mang napanalunang award sa kakatapos lang na Metro Manila Film Festival’s Gabi Ng Parangal ay nangunguna naman sa takilya ang Rewind.