Advertisers
SA katatapos na taon 2023, nawa’y isinama na nito sa kanyang pagreretiro ang lahat nating dala-dala sa buhay. Mga problema, sakit, pagka-bigo, kamalasan, pagka-matay ng mga mahal sa buhay at lahat na ng kalungkutan.
Para sa pag-pasok naman ng bagong taon 2024, pahintulutan din ng Maykapal na kamtan nating lahat ang mahabang buhay, malusog na pangangatawan, kapayapaan, kaginhawahan at seguridad.
Pero sabi nga ng kasabihan ” nasa Diyos ang away, nasa Tao ang gawa.” Ang iba naman sa atin, ito ang sinusundang kasabihan – ‘di baleng tamad, di naman pagod.’
Di ko tinatangkang patawanin kayo, gusto ko lang diinan na sa atin lahat nagsisimula. Sa ating mga galaw, pag-uugali, at pagtingin sa buhay.
Kailangan natin harapin ang Bagong Taon na may pag-asa at pasasalamat sa mga dumating na biyaya sa nagdaang taon. Nang sa gayon mamuhay tayo sa 2024 na may magaan na loob, handang tumulong sa ating mga kapwa Filipino lalo na ang mga mahihirap.
Tanggapin din nating maluwag sa ating kalooban ang mga darting na pag-hamon sa buhay upang maka-isip tayo ng paraan paano natin malalampasan ang ito. Dahil ito rin ay binibigay ng Maykapal upang lalo tayong tumibay sa hirap ng buhay.
Di natin dapat ikalungkot ang di natin narating o naranasan na inaasam noong 2023, at isipin na ito ay kagustuhan na rin ng Maykapal na siyang nakaka-alam kung ano ang mas makabubuti sa atin.
Lahat nang nangyayari sa ating mga buhay ay may dahilan at may nakalaang kasagutan sa tamang panahon. Ang mahalaga ay mayroon tayong lakas at buhay para haramin ang mga hamong ito. Mayroon tayong pamilya at mga mahal sa buhay na handang umagapay.
Salubungin natin ang taon 2024 na may magandang pangarap at inaasam upang ito ang magsilbing inspirasyon na patuloy tayong mamuhay ng tama at may panalanging màgawa nang naaayon sa kalooban ng Panginoon.
Mapapag-tagumpayan natin ang lahat ng hamon kung tayo lagi ay nasa Panginoon. HAPPY NEW YEAR TO ALL!