Advertisers

Advertisers

LTO AT LTFRB WINARNINGAN NI MANANG IMEE!

0 20

Advertisers

Nanawagan si Senadora Imee Marcos sa Department of Transportation (DOTr) na bawiin na ang mga “deadly deadline” ng PUV modernization program.

Ayon kay Marcos, dapat na bumalik sa pakikipagdayalogo ang gobyerno sa mga operator, drayber at mga apektadong commuters.

Tigilan na rin aniya ng Land Transportation Office (LTO) at DOTr ang pananakot, suspensiyon at pagbawi ng prangkisa ng mga tsuper.



Ayon kay Marcos, nararapat na pakinggan ang mga hinaing ng mga PUV operators at mga apektadong sektor lalong lalo na ang libo-libong komyuter sa bansa.

Giit pa ng Senadora, wala namang ibinibigay na sapat na subsidy ang gobyerno para sa mga operators kung hindi ang P210,000 hanggang P280,000 na ilang porsyento lamang ng P2.5 milyon na halaga ng bagong Euro-4 PUV.



Maging sa suplay, parts at serbisyo ay hindi pa handa ang mga dealer.

Aminado rin aniya ang TESDA na hindi pa nila kayang i-repair ang bagon Euro-4 PUV dahil Euro-2 pa lamang ang kanilang pinaghahandaan.



Kaya pakiusap ni Marcos sa gobyerno na magpulong muna at konsultahin ang mga operators, tsuper at mga komyuters hinggil sa PUV modernization program.

May punto si Senadora Imee sa usaping ito at labis tayong nagtataka kung bakit tila minamadali ang lintek na modernization na ito sa ating mga jeepneys kahit hilaw na hilaw ang preparasyon ng mismong gobyerno sa hakbanging ito.

Mukhang may mga ilang gustong kumita o kumita na sa proyektong ito.

Punyeta talaga!

Lahat na lang gustong pagkakitaan!

2024 na, wag naman masyadong garapal ang diskarte!

Lihahin nyo naman mga pagmumukha nyo kayong nasa gobyerno.

Wag sobrang kapal ng face!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com