Advertisers

Advertisers

Department heads ng NAIA, pinulong ng bagong MIAA-GM

0 12

Advertisers

Nagsagawa na ng series of meetings ang bagong Manila International Airport Authority general manager na si Eric Castro Ines sa mga department heads upang simulan ang transition patungo sa new management.

Bago ang Baong Taon ay nagsagawa na rin ng inspection si Ines sa mga terminals ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kung saan nakita niya ang mga dapat isagawang improvement sa mga pasilidad upang maging komportable ang mga pasahero.

Sa ngayon ay nangangalap pa ng ibang team si GM Ines na ipapalit niya sa mga position na iiwanan ng dating management.



Ang bagong airport chief ay dati nang naglingkod bilang manager ng mga airlines sa NAIA terminals kaya’t inaasahang kabisado na rin niya ang lahat ng sulok ng paliparan.

Dadalo umano si Ines sa gaganaping flagraising ceremony sa Lunes para sa kanyang kauna- unahan niyang pagharap sa lahat ng mga empleyado ng MIAA. (JERRY S. TAN)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">