Advertisers
Nilooban ng hindi nakilalang mga salarin ang tanggapan ng J&T express, sa Calauag, Quezon nitong Martes ng gabi.
Ayon sa report ng Calauag police, apat na lalaking pawang naka-facemask at armado ng maiiksing baril na bumaba mula sa isang kulay itim na kotse ang biglang pumasok sa hub 8:00 ng gabi.
Agad na tinutukan ng baril at dinis-armahan ng mga ito ang nag-iisang guwardiya ng establisyemento.
Ginapos din ng mga salarin ang ibang empleyado at saka kinuha ang pera sa cahier’s booth.
Tinatayang nasa P800,000.00 cash na remittance sa nasabing hub ang natangay at tatlong cellphone ng mga empleyado.
Mabilis din sumibat ang mga salarin matapos makuha ang pera.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad at tintingnan na rin ang kuha ng CCTV para sa pagkakakilanlan ng mga salarin.