Advertisers
Kulong ang isang helper na listed na most wanted sa Bulacan nang malambat sa isinagawang manhunt operation ng Malabon PNP nitong Miyerkoles ng hapon.
Kinilala ni Malabon Police Chief P/Col. Jay Baybayan ang naaresto na si alyas “Nhong”, 30 ng Blk. 10 Lot 10 SMC HOA Sitio 6 Brgy. Catmon.
Sa report ni Col. Baybayan kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) na nagtatago sa Brgy. Catmon ang akusado.
Nalambat sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Presiding Judge Mirasol Ong Dychingco ng Regional Trial Court, Third Judicial Region Branch 20, Malolos City, Bulacan noong November 7,2023 para sa paglabag sa Sec. 11, Art II of R.A 9165.(Beth Samson)