Advertisers
ABALA sa kanyang preparasyon ang World’s No.2 pole vault Ernest John “EJ” Obiena para sa Paris Olympic, ang pinakamalaking sports event na nakatakda simula sa Hulyo 26 hanggang Agosto 11 ngayon taon.
Ang unang Filipino na qualify sa Summer Games ay patuloy na nagdadala ng karangalan sa ating bansa.
“The goal is to win, and to do that, there’s going to be a lot of training, training camps outside of the country,” Wika ni Obiena sa press statement Miyerkules.
Ang panalo na silver medal sa World Athletics Championship na bagong personal rekord at ang kanyang gold medal victories sa Hangzhou Asian Games sa Cambodia SEA Games ay patunay ang matibay na dedication ni Obiena.
Isa sa kanyang inspirasyon na paghusayan sa sports ay ang Swiss tennis player,Roger Federer.
“I want to understand what made him so composed – the way he matured into what he is now. Roger has done so much in tennis that is not achievable by just being an ordinary guy,” Sambit ng 28-year-old Obiena.