Advertisers

Advertisers

Where to LeBron?

0 3

Advertisers

Saan nga bang koponan sa NBA mapupunta si LeBron James.

Naghihintay ang mundo kung anong uniporme ang isusuot ng pinakamatandang player ng liga.

Pati si Commissioner Adam Silver naiinip na kasi hindi magagawa ang sked hangga’t hindi nila alam ang bagong grupo ni Lolo Bron.

Sinasabing mga pangunahing prangkisa ay ang Golden State, Cleveland, Miami at Philadelphia.

Galing na siya dati sa Cavaliers at Heat.

Matagal na rin mimithi siya ng Warriors at 76ers.

Hindi man niya makuha max contract sa mga ito ay motivation pa rin niya ang magkalimang korona. Pero sa edad niya mahalaga rin ang pamilya at kung anong siyudad siya mas masayang maglalaro.

Factor din ay kung may alok na kasama si Bronny na may kontrata pa sa LAL.

Ayon kay Mang Tomas ay sentimental favorite ang GSW para magkasama na sila ng mga kaibigan na sina Steph Curry at Draymond Green. Tapos malapit lang ang SanFo sa LA kung saan nakatira kanyang mag-anak.

Kaso kulang sa bigman sina Curry.

Pwede rin ang 2nd homecoming niya sa Cleveland.

Malakas nga line-up nguni’t kailangan mag-iba pa ng bahay.

Mga speculation lahat ito.

Kayo ano hula ninyong pipiliin ni James?

***

Spotted ang artistang si Rica Peralejo, broadcaster Bernadette Sembrano at PBB housemate Jasmine Helen Dudley Scales sa Angat Bayanihan Fun Run noong Linggo sa Makati.

Lumahok ang tatlong babae sa patakbo ng NGO na itinatag ni Leni Robredo.

Namataan din sa event sina dating Cong Kit Belmonte at ang mga political analyst na sina Ronald Llamas at Richard Heydarian.

***

Sangkatutak ang nagrereklamo sa taas ng singil ng Meralco sa atin.

Sa katunayan tayo ang mayroong highest electricity rates sa buong South East Asia.

Bukod kasi na talagang nagmahal ang kuryente na binibili nila upang ipamahagi ay may iba pang dahilan.. Una pinapayagan sila ng gobyerno na isama sa bill ang systems loss at iba pang gastos nila.

Nasa prangkisa nila na ikarga sa atin ang ninakaw sa kanila sa pamamagitan ng ilegal na pamamaraan. Duda nga natin pati ang pondo ng PBA squad nila ay tayo ring mga customer ang bumabalikat.

Panahon na upang busisiin ng Kongreso ang bagay na ito. Sobra-sobra ang budget ng Bolts sa pro league.

Sa isang dekada nila ay iisa lang naman nauwi nilang titulo.

Yung active consultant nila na coach ay dolyares pa bayad katulad ng mga import na cager.

Ginoong MVP hindi naman kailangan ng Meralco ang PBA exposure gaya ng iba. Yung budget na matitipid gamitin sa pagbabantay sa mga nagkakabit ng jumper at pag-improve ng serbisyo.